AKLAN – IPINAG-UTOS ng pulisya na isailalim sa medico legal examination ang bangkay ng isang 14-anyos na dalagita na natagpuan sa Barangay Pagsanghan, Banga.
Nadiskubre ang duguang bangkay ng Grade 8 student noong Lunes.
Nabatid na huling nakita ang dalagita noong Sabado ayon sa Banga Municipal Police Station.
Ayon sa mga awtoridad, isasalang sa autopsy ang bangkay ng biktima upang malaman kung ano ang ikinamatay nito at kung hinalay ba ito .
Lumitaw sa pagsisiyat na may tama sa ulo ang biktima na hinihinalang sanhi ng matigas na bagay.
Patuloy ang pangangalap ng mga ebidensya at paghahanap ng mga testigo na posibleng makapag-bigay-daan sa pagkakilanlan ng salarin o mga suspek. VERLIN RUIZ