DALAGITANG MAY DIPERENSIYA INABUSO NG AMA, KUYA

rape4

MALABON CTIY-MASAKLAP ang dinanas ng 17-anyos na may kapansanan sa pag-iisip nang madiskubreng hinalay ito ng sariling ama at kuya sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si alyas Bing habang nakakulong na ang ama at kuya nito na may edad na 53 at 23 ng Brgy. Longos.

Ang halinhinang panghahalay ng mag-ama sa biktima ay natuklasan lamang nang matuklasang buntis ito.

Sa panayam kay Insp. Roland Domingo, desk officer ng Malabon police, may lahi na umano ng kakulangan sa pag-iisip ang biktima, pati na ang ilan niyang kapatid, na posibleng minana sa kanilang ina.

Kaagad namang kumilos ang mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao at dinakip ang mag-ama makaraan ang pormal na paghahain ng reklamo ng biktima sa tulong ng mga kaanak sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD). VICK TANES