HABANG papalapit tayo sa Mahal na Araw, maaaring naghahanap na tayo ng mga aktibidad na maaaring gawin o mga lugar na puwedeng puntahan sa panahong ito.
Halimbawa ay retreat, workshop, o mga walking tour sa iba’t ibang simbahan. May ilang ideyang matatagpuan sa ibaba, maaaring makatulong ito sa sinumang gumagawa na ng plano para sa sarili o kasama ang mga kaibigan o pamilya.
Gaganapin sa Miriam College (ESI Conference Room) ang isang aktibidad tungkol sa pagdadalamhati. Pinamagatan itong Heart’s Space for Grief: Through the Lens of Lent. Ito ay magaganap sa ika-20 ng Marso, alas-3:00 hanggang alas-4:30 n.h. Ito ay padadaluyin nina Dr. Edwin Eulalia (Head, MMISMO) at Dr. Grace Brillantes-Evangelista (Executive Director, ILAW Center). Bukas ito sa lahat, at wala ring bayad ang pagsali. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang Facebook page ng ILAW Center.
Isang one-day retreat naman ang isasagawa ng Brahma Kumaris sa Gateway Gallery Small Room, 5F Gateway Tower, Gen. Aguinaldo Ave., Araneta City, Cubao. Sa ika-28 ng Marso ito magaganap, mula alas-9:00 n.u. hanggang alas-4:00 n.h. May kontribusyon na P500 at kasama na rito ang vegetarian lunch at meryenda. Kung interesadong sumali, mangyaring magparehistro po muna sa bit.ly/peaceofmindretreat
Ang tour guide na si Jing Ordoña (Manilakad) ay magkakaroon din ng Visita Iglesia walking tour kabilang ang 14 na simbahan sa Maynila sa Huwebes Santo. Kung nais sumali sa tour na ito, mangyaring magpadala lamang ng mensahe sa kanyang Messenger o sa pamamagitan ng text (0916.3597888) o Viber (0960.6975930).