DALANG PERA NG 2 KOREANO KINUMPISKA

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang aabot sa 80,000,000 milyon South Korean Won na katumbas ng P3,221,120.00 milyon ang halaga.

Ito ay dahil sa paglabag ng Anti-Money Laundering act at Customs e-travel declaration form, o hindi pagdedeklara ng kanilang dalang pera papasok ng Pilipinas.

Ang naturang halaga ay itinago sa loob ng isang hand carry bag at pagdaan sa Scanning at X-ray inspection ay nakita ito na siyang dahilan upang kumpiskahin.

Ang dalawang Koreano ay dumating kahapon sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 467 galing Incheon, Korea.

Nakasaad sa pinaiiral na alituntunin ng Customs Laws, ang dalawang Koreano ay maaring mag-apela sa Bureau of Customs Law Division upang maibalik sa kanila ang nasabing kantidad. FROILAN MORALLOS