DALAWA BINARIL SA HARAP NG BAHAY

binaril

NEGROS ORIENTAL – PATULOY na sinisiyasat ng awtoridad ang hindi pa nakikilalang  mga supek na bumaril sa dalawang lalaki sa harap ng kanilang inuupahang bahay sa bayan ng Bacong.

Kinilala ang mga biktima na sina Velly Alsado at kaniyang katulong sa bahay na si Mark Anthony Selorio.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Bacong police, nakarinig ng 4 na putok ng baril ang ilang residente pasado ala-1 ng madaling-araw.

Natagpuan ang mga biktima na duguan at may mga tama ng bala. Dinala sila sa ospital pero binawian din ng buhay.

Narekober sa crime scene ang apat na empty shell ng kalibre .45 na baril at 3 slug ng baril.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang nasa likod ng krimen. VERLIN RUIZ

Comments are closed.