“IT’S two millionaires in a row for Super Lotto 6/49 – a rare and lucky streak.”
Ito ang pahayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan kung paano niya idi-neklara ang Lotto draw phenomenon na nangyari kamakailan lamang.
May isang nanalo ng P13,983,816 sa Super Lotto 6/49; pero na-hit ng mga nanalo ang jackpot noong Enero 27 at 29, na magkakasunod.
“It is indeed a lucky start for year for our lotto patrons,” sabi ni Balutan.
Sa buwan ng Enero lamang, nagbigay ang PCSO ng total na P522,039,761 ng jackpot prizes para sa iba’t ibang Lotto games, na pinaghatian ng siyam na Lotto winners.
Noong Martes, Enero 29, isang nanalo ang humula sa winning combination ng 11-34-30-10-07-21. Nauna rito, noong Linggo, Enero 27, isa na namang lotto winner ang nakakuha ng winning number combination ng 11-41-03-20-47-22.
Bawat isa ay makakukuha ng P15,840,000.00 na siyang jackpot prize sa panahon ng pagbola nito.
Ang nanalo noong nagdaang Martes ay bumili ng tiket sa isang lotto outlet sa Imus, Cavite; habang ang nanalo noong Linggo ay bumili ng tiket sa isang outlet sa Dagat-Dagatan, Navotas, Metro Manila.
Sa siyam na jackpot winners, tatlo ang naka-hit ng jackpot sa Super Lotto 6/49; dalawa sa Ultra Lotto 6/58; dalawa sa Lotto 6/42; isa sa Grand Lotto 6/55, at isa rin sa Mega Lotto 6/45 draw.
Ang tsansa para manalo sa lotto draws ay isa sa 5,245,786 para sa Lotto 6/42; isa sa 8,145,060 para sa Mega Lotto 6/45; isa sa 13,983,816 para sa Super Lotto 6/49; isa sa 28,989,675 para sa Grand Lotto 6/55; at 1 sa 40,475,358 para Ultra Lotto 6/58.