DALAWANG MUKHA NG ANGKAS RIDER

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Noong ako ay nagsusulat pa ng mga no­velette sa ating nag-iisang pahayagan o sabihin natin na ­“UNANG TABLOID SA NEGOSYO” na PILIPINO Mirror,  biglang sumaltik sa aking isipan ang isang pariralang sinipi ko sa Gems of Thought from Rizal’s writings tulad ng “kapag ang isinalubong sa iyong pagdating ay magandang mukha’t may pakitang giliw, iyan ay asahang kaaway na lihim”.

Ano po ba ang hula ninyo sa  buod ng pariralang ito na nais kong tumbukin? Bueno, mea culpa, bakit ko pa nga ba itatanong sa inyo ang bagay na ito, baka sa halip na makatulong sa panahon ng inyong pagkayod sa pang-araw-araw ay makagulo pa ng inyong isipan.

Mga kapasada, ang gusto ko pong tukuyin dito ay ang kahalagahan at kasamaang dulot ng ANGKAS DRIVER.

Napakaganda po ng konsepto ng proyektong ito kaya naman naakit ang mga kinauukulan sa iba’t ibang sangay ng Land transportation upang maglunsad ng isang training progam para sa Pinoy Motorbike Drivers sa paniniwala na ito ay isang instrument na makatutulong upang maibsan ang buhol ng trapik sa Metropolis.

Kaugnay nito, sa balikatang pagsisikap na maging tagumpay ang panukalang RIDELIHOOD training program, pinangunahan ang panukalang ito nina: Edwin Go, ng Motorsiklo Trading, Atty. Emiliano Bantog Jr, Executive director (Leader, Inc.), Jofti Villena, Project Manager Bloomberge Initiative for Global Road Safety, Benjamin Santiago III, LTO-NCR-East Wilson Flores bilang moderator, David Medrano, Angkas Head Operations at Ryan Rillera, Angkas Rider.

Sa naturang training program, itinampok sa RIDELIHOOD ang mga panayam tungkol sa road safety practices, legal rights and obligations of the drivers, at may kinalaman sa kapakanang pangkalusugan at gayundin ang financial protection. Nagkaroon din ng practical exercises tungkol sa road safety (pangkaligtasan sa pagmamaneho sa mga lansangan.)

Ayon kay Manananggol Emiliano Bantog, Jr., executive director ng LEADER, Inc.,  ang ridelihood ay inilunsad ng mga convenor bilang tugon to the steady growth of the motorcycle taxi and courier industry in the Philippines at bilang pagkilala at pagtugon sa our countrymen na nagsisipagsikap to make honest living sa pamamagitan ng ridelihood.

DALAWANG MUKHA NG ANGKAS RIDER

Bakit may dalawang mukha ang angkas rider? Kung ating nonoynoyin ang gene­sis ng Angkas Rider, maganda ang konsepto na naglalarawan ng dalawang mukha nito.

Una, ang kaluwagan ng mga pasahero na mapadali sa kanilang pagtugon sa kani-kanilang business calling, maging pang negosyo, pang opisina at mga mag-aaral na nag­hahabol ng oras para hindi mahuli.

Ngunit sa kasamaang palad, kung may buti ay may kakambal naman itong pangit na larawan sa larangan ng hanapbuhay.

‘Ika nga, ang magandang bunga na nahaluan ng isang bulok na bunga ay ipinalalagay na tulad ng kasabihang “too many hands despoil the broth.”

BABAENG UMANGKAS

Hay naku! Nabahiran ng kalungkutan at takot ang riding public kaugnay sa napaulat sa mga pahayagan at ma­ging sa social media tungkol sa  isang babaeng commuter ang ginahasa ng isang motorcycle network service driver o ANGKAS kamakailan sa Lungsod ng Quezon.

Lubhang ikinabahala ang naturang insidente. Ayon kay Jessie Santos, national president ng Public Commuters and Motorist Alliance (PCMA), na para itong bulkang sumambulat sa kanilang trade na dapat mabigyan ng kagyat na solusyon ng proper authority.

Sa kabila ng ganitong sumingaw na balita sa iba’t ibang medium of information technology (tri media at social media), totoo man o hindi ang napaulat ay dapat gumawa kaagad ng precautionary action o hakbang ang police, Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), lalo’t higit ang management ng motorcycle network service na sangkot sa krimen.

Aniya, dapat ang proseso sa pangangalap ng nasabing network ay pasado sa lahat ng uri ng pagsusuri o pagsubok bago payagan na mag-operate upang maiwasan ang ganitong disturbing incident ng pag-aabuso lalo’t higit sa mga babaeng pasahero.

Ayon sa pahayag ng biktima, kamakailan, galing siya sa inuman sa bahay ng isang matalik na kaibigan sa Project 6, sa Lungsod ng Quezon at nag-book siya pauwi sa Eastwood.

Isinalaysay ng bik­tima sa kanyang pahayag ang mapait na kapala­rang sinapit ni­ya sa halip na ihatid sa kanilang bahay, ipi­nagpasikot-sikot siya ng driver sa Katipunan Road at sa Carlos P. Garcia sa Quezon City.

Lubha umano siyang kinabahan dahil sa maraming ulit silang huminto sa madidilim na bahagi ng kalsada at dito ay bigla umano siyang dinakma sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Gayunman, kalmado ang kanyang kaisipan habang humahagilap ang kanyang paningin ng maaaring hingan ng tulong upang mailigtas siya.

Suwerte naman, saad pa ng biktima na nakatanaw siya ng nagpapatrolyang mga barangay tanod, saka siya buong birit na nagsisigaw na naging daan upang maaresto ang sadistang rider at maligtas siya sa pagkabulid sa impiyerno ng pagkariwara.

Kaagad na dinala ng mga barangay tanod ang suspek sa Quezon City Police na sinampahan ng patong-patong na kaso.

Matapos mabatid ang katotohanan sa naganap na pangyayari, hindi naman nagpabaya at kaagad na sinuspinde ng RIDE-HAILING ANGKAS management ang inakusahan ng pangmomolestiya sa babaeng kanyang pasahero.

“Given the seve­rity of the accusation, we have temporarily suspend the rider pending result of the official investigation,” pahayag ng ANGKAS matapos mabatid ang naganap na pangyayari.

Ipinangako naman ng management na nagsagawa na sila ng pakikipag-ugnayan sa proper authority tungkol sa malubhang isyu na kinasangkutan ng rider upang mapabilis ang pag­lutas sa kaso.

Tiniyak ng management na kung mapatutunayang guilty ang suspect, bukod sa criminal sanctions, papatawan din ito ng lifetime banned sa kanilang kompanya.

Samantala, buong kalungkutan namang isinalaysay ng biktima na hindi siya agad inihatid ng suspek sa kanyang destinasyon sa Eastwood.

Labis na nagpapasalamat ang biktima sa nagrorondang mga barangay tanod.

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.