DALAWANG PAANYAYA

KASALUKUYANG tumatanggap ng nominasyon para sa mga natatanging organisasyon at pinuno ang Asia CEO Awards 2022, isang malaking kaganapan dito sa Southeast Asia.

Malaking karangalan ang maging nominado at manalo sa parangal na ito. Ang deadline sa pagsusumite ng mga nominasyon ay sa ika-15 ng Agosto, at ang awarding naman ay magaganap sa Manila Marriott sa ika-11 ng Oktubre.

Narito ang mga kategorya na maaaring salihan: Service Excellence Company of the Year, Diversity Company of the Year, Young SHERO of the Year, Wellness Company of the Year, SME Company of the Year, Top Employer of the Year, Entrepreneur of the Year, Global Filipino Executive of the Year, Young Leader of the Year, Most Innovative Company of the Year, Executive Leadership Team of the Year, CSR Company of the Year, Technology Company of the Year, Expatriate Executive of the Year, at Sustainability Company of the Year.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang https://www.asia-ceo-awards.org

o0o

Inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang art exhibit na pinamagatang “Morbus”. Itinatampok dito ang mga miyembro ng MakiSining na sina Ritche Yee, Paul Hilario, Jett Ilagan, Marvin Oloris, Sayid Cedicol, Niko Cedicol at Bong Salazar. Ang MakiSining ay isang kolektib na nagsimula sa mga lugar sa paligid ng Mt. Makiling. Si Laya Boquiren ay ang curator ng exhibit na ito para sa NCCA sa ilalim ng Exhibition Grants Program nito.

Nagbukas ang eksibisyon kahapon, ika-4 ng Agosto, ngunit maaaring bisitahin ang show sa NCCA Gallery sa Intramuros, Manila hanggang ika-31 ng buwan.