DALAWANG PUGANTE TUMBA SA MILITAR

patay

BASILAN-DALAWANG pugante ang napatay ng mga tauhan ng Western Mindanao Command makaraang manlaban nang matugis ang mga ito sa nasabing lalawigan.

“Based on the report from the ground, our troops from the 4th Special Forces Battalion were conducting pursuit operation at Rubber-land Resort in Barangay Cabunbata, Isabela City to possibly apprehend the fugitives of the jailbreak which transpired on October 13 when they sighted the two in the area,” pahayag ni WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr.

Nabatid na tinutugis ng mga sundalo ang dalawang tumakas na preso mula sa  Basilan Provincial Jail hanggang sa matunton ng mga sundalo ng 4th Special Forces Batallion sa Barangay Cabunbata, Isabela City, Basilan.

Sinasabing lumaban ng sabayan ang target na nakilalang sina  Nurhassan Lahaman, may kasong murder at Battuh Kusain Murag, may ka-song multiple murder at frustrated murder at sangkot din Lamitan City bombing noong 2018 kaya’t  napilitan ang mga sundalo na gumanti ng putok.

Tumagal ng limang minuto ang engkwentro na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang preso.

Narekober mula sa encounter site ang isang M653 rifle, isang caliber 45 pistol at mga bala. VERLIN RUIZ

Comments are closed.