DAMAGE ASSESSMENT SA M7.4 NA LINDOL TINUTUTUKAN NG DILG

SURIGAO DEL SUR – INIHA­YAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinakikilos na ang Disaster Online Reporting and Monitoring System sa mga regional at field offices para agad na matututukan ang sitwasyon kasunod ng tumamang 7.4-magnitude na lindol sa bahagi ng Surigao del Sur nitong nakalipas na Sabado.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., naka-deploy na rin ang kanilang ground assets para magsagawa ng damage assessments at agad na makapaghatid ng tulong sa mga naapektuhang pamilya.

Pagtitiyak nito na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang maihatid ang kinakailangang tulong ng mga apektado sa pinakamabilis na paraan at panahon.

Kasunod nito, nanawagan ang kalihim sa mga residente na patuloy na pag-ibayuhin ang pag-iingat lalo’t ayon sa PHIVOLCS ay may inaasahan pang mga aftershocks kasunod ng insidente. EVELYN GARCIA