‘DAMASO’ NAG-PREMIERE SA ANIM NA SINEHAN

Damaso

FIRST time na­ming naka-attend ng isang premiere night, last Tuesday, November showbiz eye12, na anim na sinehan ang ginamit ng mga producer ng musical-drama na “Damaso,” na dinirek ni Joven Tan.

Napuno nga ang third floor ng SM Megamall sa mga nanood sa Cinemas 7, 8, 9, 10, 11 and 12. At puno ang lahat ng mga ci­nema sa mga nanood, kaya naman ang cast na umattend ay inikot muna ang ibang sinehan para bumati sa mga nanood, bago sila tumuloy sa Cinema 7 na nagdaos pa ng short program para ipakilala ang cast. Commendable din na ang mga producer ay nag-attend in their Filipiniana attire.

Pero ang isa pang nakatutuwa, iyong tilian ng fans na nagra-rant kay Jin Macapagal na gumaganap bilang si Crisostomo Ibarra. Ganu’n din sa mga eksenang magkasama sila ng leading lady niyang si Riva Quenery na gumaganap namang si Maria Clara.  Mahuhusay ang acting nila at magaganda ang singing voice nila.

Si Jin ay winner ng BidaMan ng “It’s Showtime” at si Riva ay isang Star Magic Talent.

Ang “Damaso” ay halaw sa character ni Pad­re Damaso sa “Noli Me Tangere” na sinulat ng ating national hero na si Jose Rizal. Binigyan ito ng modern touch sa pagpo-produce ng pelikula.  Nagustuhan namin ang movie at congratulations kay Joven Tan dahil sa mahusay na direksiyon ng movie.

Si Arnell Ignacio ang gumanap na Padre Damaso, si Vina Morales si Sisa, si Ejay Falcon si Elias, si Pinky Amador si Dona Victorina.  Ilan pa sa cast sina Carmi Martin, Ariel Rivera, Arlene Muhlach, Mon Confiado, Archie Adamos at marami pang iba.  Sina Aiko Melendez, Marlo Mortel, Nyoy Vo­lante at Ketchup Eusebio ang gumanap na producer at writers ng “Damaso.”

Produced ng Regis Films and Reality Entertainment, ang musical historical movie ay mapapanood na simula sa November 20 in cinemas nationwide.

KATRINA HALILI MAGHAPONG UMIYAK SA EKSENA

DON’T miss ang episode today, Friday, November 15, ng top-rating GMA afternoon prime drama series  na “Prima Donnas.”  Sa matagal na paghahanap ni Lillian (Katrina Halili) sa triplets niyang anak, at sa paghahanap din sa kanya ng triplets (Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo), magkakatagpotagpo na sila.  Bilin nga ni Katrina, mag­handa ng ekstrang tissue papers kapag nanood kayo at makiiyak sa kanila.

Ito yata ang eksenang sinasabi ni Katrina na maghapon siyang umiyak sa eksena kaya pag-uwi niya ng bahay ay magang-maga ang mga mata niya.

When asked kung mas gusto niya ang pagkokontrabida kaysa magdrama, pareho lang daw dahil kapag kontrabida naman siya, sigaw siya nang sigaw, lagi siyang galit.

BARBIE FORTEZA NA-PRANK NG BF NA SI JAK ROBERTO; IYAK TO THE MAX

LOVE na love ni Barbie Forteza ang boyfriend na si Jak Roberto, kaya nagalit siya rito nang i-prank siyang nag-post ito ng picture na nagmo-motor na walang suot na helmet.  Nasa taping noon si Barbie ng kanilang “Wagas” episode, nang makita niya ang post kaya napaiyak ang actress sa galit sa boyfriend, alalang-alala siya sa safety ni Jak.  Kilig naman ang fans nila sa post ni Jak.

Finale episode na today ng “Wagas Presents: Wait Lang… Is This Love” ano ang magiging ending ng love story nina Yummy at Eugene?  Mamaya na 11:30 am bago ang “Eat Bulaga.”

Comments are closed.