Dambana ng Kagitingan

Jayzl Villafania Nebre

ANG  Mount Samat National Shrine na lalong kilala sa katawagang Dambana ng Kagitingan, ay isang makasaysayang dambana na makikita malapit satuktok ng Mount Samat sa Pilar, Province of Bataan.

Ang buong complex ng dambana ay itinayo upang parangalan at alalahanin ang katapangan ang mga Filipino at American soldiers na lumaban sa imperiyalismong Hapones noong World War II.

Kasama ang Colonnade at ag ikalawang pinakamalaking Memorial Cross sa buong mundo, ipinagawa ito ni datig Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1966 para sa 25th anniversary ng World War II. Ang puting Memorial Cross ay alaala ng mga sundalong nagbuwis ng buhay sa Battle of Bataan. Makikita rin sa shrine complex ang war museum kung saan makikita ang malawak na koleksyon ng paintings ng mga bayaning Filipino, mga baril na ginamit sa digmaa ng mga Filipino, American at Japanese forces sa panahon ng paglalaban, at marami pang iba.

Mula sa colonnade at sa memorial cross, may panoramic view ng Bataan, Corregidor Island, at kung maliwanag ang araw, ang siyudad ng Maynila na mahigit 50 km lamang ang layo sa Manila Bay.

Samantala, ang Basilica of the Holy Cross of the Valley of the Fallen lies na nakatayo sa gitna ng isang memorial site ay matatagpuan sa Madrid. Ito ang pinakamataas at pinakamalaking memorial cross sa mundo, na itinayo upang alalahanin ang mahigit 30,000 biuktima ng Spanish Civil War na inilibing sa nasabing lugar. Gayunman, nanganganib itong masira at kapag nangyari ito, ang Dambana ng Kagitingan na ang pinakamalaking krus sa buong mundo. JVN