DAMBUHALANG TULAY SA QUEZON MATATAPOS NA

ABOT-KAMAY na ang completion na tinaguriang dambuhalang tulay na proyekto ng Department of Public Works and Highways sa Quezon.

Ang nabanggit na moderno at state of the art bridge ay mag- uugnay sa mga isla ng Alabat, Lopez, Atimonan, Calauag, Gumaca at Quezon, Quezon.

Ayon kay DPWH Regional Director Engineer Jovel Mendoza, ang tulay ay may habang 1.7 kilometro at maihahalintulad sa mga de- primerang tulay sa Asya at America.

Ito rin aniya ang magiging daan para mapabilis ang lahat ng uri ng transportasyon mula sa mga nasabing Isla partikular na ang mga produkto na iluluwas sa mainland Luzon at Metro Manila.

Gawa ito sa cable stade bridge na tulad ng mga malalaking proyekto sa China at Estados Unidos

Sa ilalim ng proyekto ni dating President Duterte na Build, Build, Build sinimulan ang proyekto at ito ay nagkakahalaga ng P1 bilyon.
ARMAN CAMBE