DAMS SA LUZON NASIRA NG LINDOL

NIA-2

BUKOD  sa mga simbahan at mga gusali  ay  nasira rin ng magnitude 6.1 na lindol ang mga dam sa Luzon.

Sa ulat ng  National Irrigation Administration, ­ilang dam sa Central Luzon ang nasira dahil sa lindol kabilang ang Cong. Dadong Dam sa Arayat, Pampanga  na  makikitaan ng mga biyak at aabot sa P20 million ang gagastusin para maayos ito.

Nakitaan din ng  mga biyak ang Mangindong Dam sa Dinalupihan, Bataan  at tinatayang aabot sa P10 milyon ang gagastusin dito. May mga bitak din ang Bucao Intake facility at ang isang diversion dam sa Brgy. San Pablo sa bayan ng Castillejos.

Nasira rin ang Balsik Dam sa  bayan ng Hermosa, dahil sa  pagguho ng bahagi ng kanal.   NENET V.