DANAO BAGONG NCRPO CHIEF

Vicente Danao

PINANGUNAHAN kahapon ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año  ang ginanap na change of command ceremony at retirement honors para kay Philippine National Police Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na magsisilbing hudyat sa opisyal na panunungkulan ngayon ni Maj. Gen. Debold Sinas bilang bagong pinuno ng PNP.

Ayon Sec  Año, kasunod ng assumption ni Sinas ay ang pagpupulong ng National Headquarters para  talakayin ang isusumite ng board of Generals na rekomendasyon sa bagong PNP Chief  upang ito ang magtalaga ng bagong director ng  National Capital Regional Police Office.

Bago pa ang turn over ceremony, lumutang na ang pangalan si PNP Police Regional Office 4A (CALABARZON) Director Brig. Gen. Vicente Danao na siyang  hahalili sa mababakanteng posisyon ni Sinas.

Si Danao na miyembro ng PMA Class 91  ang napipisil ni Sinas na pumalit sa kanyang puwesto bilang bagong NCRPO chief.

Sa isang radio interview, kinumpirma ni Año na si Danao ang susunod na top cop ng  Metro Manila.

“Ang NCRPO ay idi-deliberate pa pero ang nire-recommend na papalit kay Gen. Sinas ay si Brig. Gen. Vic Danao na manggagaling sa Region 4A. Yes, matutuloy na yan,” ano Año.

Ayon pa kay Año, bagaman pagpupulungan pa ng PNP Board of Generals ang pag-upo ni Sinas sa puwesto pero si Danao na ang napisil ni Sinas na pamunuan ang kanyang iniwang puwesto. VERLIN RUIZ

Comments are closed.