DANAO UMAKYAT SA NO.3-MAN SA PNP COMMAND

LUMAPIT pa sa top post ng Philippine National Police (PNP) si Lt. Gen. Vicente Danao Jr. mula number 4-man na The Chief for Directorial Staff at itinalagang PNP Deputy Chief for Operations.

Ito ay kasunod ng pagreretiro kahapon ni Lt. Gen. Ferdinand Divina na kanyang papalitan bilang number 3 man sa PNP command.

Narating na ni Divina ang mandatory age of retirement na 56 kahapon, Mayo 2.

Si Danao na dating regional director ng Police Region Office 4A o CALABARZON ay naging regional director ng National Capital Region Police Office makaraan ang isang taon.

Sa pagreretiro ng dalawang pang PNP top brass noong Marso ay nakapasok sa PNP Command group si Danao.

Ang sinumang nasa PNP Command Group ay automatikong nasa shortlist sa pagpipiliang PNP Chief.

Sa katunayan kabilang umano si Danao at si PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Rhodel Sermonia na isi­numite ni Interior Sec. Eduardo Ano bilang kapalit ni Carlos na magreretiro naman sa Mayo 8.

Ang pagtaas ng posisyon ni Danao ay inanunsyo ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos sa isang panayam kanina.

Samantala, hindi pa masabi ni Carlos kung sino ang hihirangin bilang kapalit ni Danao o maging TCDS.

“May rekomendasyon na kami para maging TCDS (The Chief for Directorial Staff) ay hinihintay lang kami sa approval,” ayon kay Carlos.EUNICE CELARIO