DANCER ARESTADO SA P3-M MARIJUANA

marijuana

CAVITE – REHAS na bakal ang binagsakan ng 24-anyos na free lance dancer na sinasabing nasa drug watchlist bilang notorious courier makaraang makum­piskahan ng P3,032, 800 halaga ng shabu at pinatuyong damo ng marijuana sa ikinasang anti-drug ope­ration ng mga awtoridad sa ba­hagi ng Camella Springville East 2, Barangay Molino 4, Bacoor City, Ca­vite kamakalawa ng gabi.

Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Daniel Mendoza y Villa ng Block 10, Lot 19 Sparrow St. ng nabanggit na lugar at itinuring ng pulisya na big time drug courier ng shabu at marijuana sa nabanggit na barangay.

Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na isinailalim sa masusing surveillance ang suspek dahil sa impormasyong nakalap ng pulisya kaugnay sa malakihang transaksiyon ng droga sa ilang kabataan sa nabanggit na barangay.

Tagumpay namang nasakote ang suspek sa isinagawang anti-drug operation kung saan nasamsam ang 446 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P3,032,800.00.

Bukod sa marijuana ay nakumpiska rin sa suspek ang mga drug paraphernalia at P500 marked money na ginamit sa drug operation ng mga awtoridad kung saan pina-drug test at physical examination ito bago dalhin sa police detention facility.

Isasailalim din sa chemical analysis sa Ca­vite Provincial Crime Laboratory Office sa Imus City ang nasamsam na marijuan bilang karagdagang ebidensiya laban sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. MHAR BASCO

Comments are closed.