DANDAN NAG-RESIGN NA SA COLUMBIAN

NAGBITIW na si Ricky Dandan bilang coach ng Columbian Dyip.

Opisyal na inanunsiyo ni Dandan ang kanyang resignation sa Columbian upang magpokus sa kanyang trabaho bilang isa sa mga assistant ni Bo Perasol sa UP Fighting Maroons.

Sa isang statement, pinasalamatan ni Dandan ang Columbian subalit matapos ang masusing pagsasaalang-alang, minabuti niyang pakawalan ang PBA at sa halip ay ituon ang kanyang buong atensiyon sa UAAP.

“I have arrived at this decision after much thought and consideration. My personal decision now is to concentrate all of my attention, effort and energy time on helping coach Bo Perasol and the UP Fighting Maroons in our quest for the Final Four in the forthcoming UAAP season,” bahagi ng statement na ipinalabas ni Dandan.

Ginabayan ni Dandan ang Dyip sa dalawang conferences, kapalit ni Chris Gavina, na nagbitiw rin sa expansion franchise.

Matapos ang 1-10 stint sa All-Filipino Cup, ang Columbian ay nagpakita ng malaking improvement sa Commissioner’s Cup kung saan nagtapos sila na may 4-7 kartada.

Comments are closed.