DANDING COJUANGCO PUMANAW NA

DANDING COJUANGCO

SUMAKABILANG buhay na ang business tycoon na si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco sa edad na 85.

Si Cojuangco ay pumanaw sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig alas-10:40 ng gabi ng Martes  dahil sa lung cancer.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco.

Si Cojuangco ay chairman ng San Miguel Corporation at dating naging ambassador ng Filipinas sa Amerika.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa pagpanaw ng negos­yante.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaking kawalan sa lipunan si Cojuangco na isang  visionary at mahusay na business leader.

“Napakalaking kawalan po sa ating lipunan. Alam natin that Ambassador Cojuangco was a visionary, was a very good business leader. At ang kapalaran ng Filipinas sa ating ekonomiya ay masyadong malapit sa success story ng San Miguel Corporation na pinamunuan ni Ambassador Cojuangco. Nakikiramay po kami sa pamilya ni Ambassador Cojuangco,” pahayag ni Roque.

Comments are closed.