DANGER LEVEL HEAT INDEX SA 39 LUGAR SA PINAS

PATULOY  na nakaranas ng “dangerous” levels ng heat indexes ang 39 na lugar sa bansa nitong Huwebes.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang heat index ay ang pagsukat sa init ng panahon o taas ng temperatura na kakayanin ng katawan ng isang tao.

Itinuturing ng PAGASA na danger level ang heat index na nasa pagitan ng 42ºC hanggang sa kategoryang ito ay maaaring makaranas na ang isang tao ng heat cramps, heat exhaustion, maging ang nakadidisgrasyang heat stroke.

Samantala, apat na government employees sa Camarines Sur ang naiulat na nasawi dahil sa matinding init ng panahon.

Matinding init ng panahon ang itinuturong dahilan sa pagkasawi ng apat na empleyado sa Pili Local Government Unit (LGU).

Patuloy na nagpapaalala ang PAGASA na iwasan ang pagbilad sa init ng araw at magdala ng pananggalang sa araw upang maprotektahan ang kalusugan at buhay.

Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa 48 ºC ang heat index forecast, sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Pili area sa Camarines Sur.

Sa Metro Manila naman , ang heat index sa Ninoy Aquino International Airport (Naia), Pasay City, ay 43ºC, samantalang 42ºC sa Science Garden, Quezon City.

Samantala, sa Baguio City at La Trinidad sa Benguet ay magkakaroon naman ng mababang temperatura na 28ºC lamang.

Samantala, ang ibang lugar naman na may heat index na may forecast na mula sa pinakamataas na 48 ºC hanggang 42ºC ayon sa PAGASA ay ang mga sumusunod: CBSUA-Pili, Camarines Sur – 48ºC;
Dagupan City, Pangasinan – 47ºC;Tacloban City, Leyte – 46ºC;Laoag City, Ilocos Norte – 45ºC;Bacnotan, La Union – 44ºC;Tuguegarao City, Cagayan – 44ºC;Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City – 44ºC;Puerto Princesa City, Palawan – 44ºC;Aborlan, Palawan – 44ºC;Roxas City, Capiz – 44ºC;Iloilo City, Iloilo – 44ºC;Dumangas, Iloilo – 44ºC;Catarman, Northern Samar – 44ºC;Naia Pasay City, Metro Manila – 43ºC;
Aparri, Cagayan – 43ºC;Iba, Zambales – 43ºC;Casiguran, Aurora – 43ºC;Coron, Palawan – 43ºC;San Jose, Occidental Mindoro – 43ºC;Legazpi City, Albay – 43ºC;Virac (Synop), Catanduanes – 43ºC;La Granja, La Carlota, Negros Occidental – 43ºC;Science Garden Quezon City, Metro Manila – 42ºC;Sinait, Ilocos Sur – 42ºC;MMSU, Batac, Ilocos Norte – 42ºC;ISU Echague, Isabela – 42ºC;Clark Airport (DMIA), Pampanga – 42ºC;CLSU Muñoz, Nueva Ecija – 42ºC;Baler (Radar), Aurora – 42ºC;Sangley Point, Cavite – 42ºC;Ambulong, Tanauan Batangas – 42ºC;Infanta, Quezon – 42ºC;Alabat, Quezon – 42ºC;Calapan, Oriental Mindoro – 42ºC;Masbate City, Masbate – 42ºC;Mambusao, Capiz – 42ºC;Catbalogan, Samar – 42ºC;Dipolog, Zamboanga del Norte – 42ºC,at;Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42ºC

Ayon sa Department of Health (DOH), bukod sa muscle cramps ang ilan pa anyang sintomas na heat-related ay fatigue, pagkahilo,masakit na ulo, pagsusuka, heat exhaustion, pagkawala ng malay, confusion o disorientation, heart attack dahil sa heat stroke. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia