Danica Sotto napikon sa tsismis kay Marc

Pikon na pikon si Danica Sotto sa tsismis na nambababae ang kanyang asawang si Marc Pingris. Naka-move on na raw siya, pero naiinis pa roin siya kapag naiisip niya ang nasabing isyu.

Yung post daw niya dati, walang kinalaman yon kay Marc kundi sa isang taong pinagtiwalaan nila ngunit nanloko sa kanila sa negosyo. Iniba lang umano ng isang tabloid ang kanyang sinabi at kinumpirma raw niyang totoo ang balita kay Pingris. Dahil dito, nag-usap raw silang mag-asawang hindi na sila magkukumento.

Natatawa na lamang daw sila dahil ang galiung magtahi-tahi ng istorya ng mga marites. Buti na lang nga raw at lumaki siya sa showbiz industry kaya alam na niya ang takbo ng buhay dito. Pero tao pa rin umano siyang napipikon kapag sobra na ang balita, lalo pa kung naaapektuhan na ang kanilang mga anak.

Sana lang daw, respetuhin ng iba ang damdamin ng mga batang maaapektuhan ng tsismis. (RLVN)