DANICA SOTTO-PINGRIS 3 TAON NANG NAGPAPATAKBO NG NEGOSYONG TECHNO-GLASS

MAY kinalaman sa glass products ang itinayong negosyo na Technoglass ni Danica entra eksenaSotto-Pingris katuwang ang basketeer husband na si Mark Pingris at ng mga kasosyong non-showbiz friends.

Bilang marketing head ng company ay si Danica ang nakikipag-set sa kanilang clients at uma-attend ng bidding sessions. Pinag-aralan din ng panganay nina Bossing Vic Sotto at Dina Bonnevie ang ilang basics para sa installing ng glass at aluminum door to market their products well.

Hindi rin biro ‘yung investment  nila ni Mark sa business nilang ito, pero aminado si Danica na maganda ang income nila at consistent daw ito. Pero inaamin din niya na minsan ay hindi maiiwasan na hindi mapunta sa kanila ang project.

“I know how it is to lose a project because prospective clients feel our product is too expensive,” pero nakararamdam naman siya ng tuwa sa tuwing sila ang nanalo sa bidding. “It’s part of my journey as a businesswoman,” sabi pa ng actress na muling nasilayan ng publiko nang maglaro ito kamakailan sa “Bawal Judgemental” sa Eat Bulaga na hino-host ng kanyang Daddy Vic.

PROMISING ARTIST MIGZ COLOMA MASAYA AT NAKA-BONDING MULI ANG AMA;  LATEST SINGLE NASA SPOTIFY NA

BUONG December ay naging masaya ang bonding ng guwapong promising recording artist/dancer/model na si Migz Coloma at ang kanyang pamilya. Umuwi kasi sa Pinas ang daddy ni Migz na si Mr. Michael na based na sa South East London kaya sinamantala nila ang pagkakataon na makasama ito nang matagal.

Pinaka-memorable na bonding ni Migz at ng kanyang daddy Michael at Mommy Juvy and his youngest brother na si Ochie ay sa Baguio at na-enjoy nila ang pamamasyal sa famous tourist spot na Burnham Park.

Nag-shopping at kumain sa labas sa paborito nilang Korean resto ang pamilya.

Ang sad part ay kailangan nang bumalik ng daddy ni Migz sa London kung saan ito nagtatrabaho roon bilang senior staff nurse.

Ang career naman ni Migz ay nasa panga­ngalaga na ngayon ng Titan Talent Management, Inc. ni Josh Moradas. Tatayong talent manager/handler ni Migz si Mama Josh na mamamahala sa kanyang showbiz career. Para sa bookings sa show, event hosting at endorsement ay puwede kayong tumawag sa 0916-5854038 and look for Mama Josh.

By the way, para sa supporters ni Migz, nasa digital platforms na ang pino-promote nitong single sa kanyang CD Lite album na “Kayo Na Naman Bang Dalawa.” You can download this on Spotify and other digital platforms.

EAT BULAGA MASAYA SAKANILANG RATING SA NUTAM AT KANTAR

KAPAG nasa APT Studios ka ay dama mo na parte ka ng pamilya ng Eat Bulaga dahil sa warm welcome ng EB Dabarkads sa isa’t-isa.

Yes, feel at home ka talaga lalo na kapag regular kang studio audience. Basta happy lang ang show at wala sa isip nila ang competition o maki­pagkabugan sa katapat nilang noontime show. Maliban sa mahigit 40 years na sila sa telebisyon ay very contented din ang EB sa kanilang araw-araw na ratings sa NUTAM Peoples TV Ratings at Kantar National Ratings. Ang sarap palang panoorin kapag nagkakasama sa “Bawal Judgmental” ang showbiz couple na sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.

Comments are closed.