DANIEL PADILLA INAMIN NA LIMANG TAON NA SILA NI KATHRYN

KUNG NASABI ni direk Cathy Garcia Molina na si Daniel Padilla ang bagong John Lloyd Cruz, ‘yun e,encounters with pm dahil sa naging palagayan nila sa set ng pelikula nila na malapit ng ipalabas.

Hindi nila namalayan na naging to close for comfort na pala sila. Dahil kapag may hindi natupad, gaya ng hindi nahili ni Daniel na ibinilin daw ni Direk, nagkakatampuhan na sila.

Bagong JLC sa buhay ni Direk bilang kaibigan. Pero, hindi naman daw nito ire-replace si Lloydie na inaasahan ni Direk Cathy ang pagbabalik next year.

Nagpakatotoo na ang dalawa sa tunay na nara­ramdaman nila sa kanilang relasyong ayon na rin kay Daniel ay mahigit limang taon na.

Ang maganda sa dalawa – sa kabila pala ng mga pagkakataong may mga pag-aaway na sila o hindi na pagkakasunduan, ang mga tanong na sinagot sa pelikula e, sinagot nila sa tunay na buhay.

Muntik-muntikan na silang maghiwalay. Pero pinadaan at nagpalamig lang muna. Kinuwestiyon na ba ang mga sarili kung kaya pa ba nila o mananatili pa sa relasyon. Na pareho naman nilang ‘di binitawan.

“Kasi, ‘yun ang desisyon ko. Na gusto kong huwag bumitaw. Kasi mahal ko. Lahat gagawin ko para maging maayos kami,” sabi ni Daniel.

At kung titingnan ang ningning ng mga mata ni Kathryn, alam mong kampante na siya kay Daniel sa buhay niya.

Pero ang mapa ng mga karera nila will take them to different directions.

“Tanggap naman namin ‘yun. Na we will be paired with other actors. We’re way beyond that kasi alam naman namin na it will come. Masakit lang. Kasi nasanay kami na kasama ang isa’t isa. ‘Yung wala akong masasabihan agad ng kung anuman ang maramdaman ko. Pero sabi naman niya dadalawin niya ako sa set ng bago kong movie (with Sharon Cuneta and Richard Gomez),” sabi naman ni Kath.

May say pa rin naman pala si Daniel in case na i-require si Kath to do a kissing scene with a new leading man.

“Ang tagal naming hinintay bago kami nag-kiss. Ngayon, bago lang magki-kiss na. ‘Di ‘ata ako papayag. Maski naman din ako,” Daniel blurted out.

DINKY DOO MAY PINAGDADAANAN

DINKY DOOKINAMUSTA ko ang comedian turned director na si Dinky Doo, matapos ang pagdaan sa isang madilim na gabi sa buhay actually ng kanyang anak na napiit dahil sa droga.

Kilala na kasi si direk Dinky ngayon sa pagpapalaganap ng mga proyektong may kinalaman sa pagpuksa sa masamang bisyo lalo na sa mga kabataan. At ang mga proyekto niya ay sinasang-ayunan at bi­nibigyang suporta pa ng Pangulo ng ating bansa.

“‘Yan na ‘ata ang irony ng buhay. Ang pinanggalingan ko at tinalikuran, para namang tukso, sa anak ko naman tumama. Pero gaya ng sinasabi ko, malaki na, may isip na at may sarili ng desisyon ang anak ko. So, anuman ang ginawa niya, kailangang hara­pin niya. Inilalapit ko, gaya sa mga kabataang natutulungan na namin, ang loob ng gaya niya sa Panginoon.”

Hindi raw masasabing nagpapabaya si direk Dinky pagdating sa pamilya, lalo na sa mga anak niya.

“Nagiging instrumento ang mga advocacy film na ginagawa ko para mamulat ang isip ng mga manonood lalo na ng kabataan sa masamang epekto ng droga. Been there, done that. Kung kailangan pa rin niyang daanan ang minsan ko ng pinuntahan, desisyon na niya ‘yun. Napakasakit para sa amang gaya ko. Panginoon  lang ang nakaaalam at itataas mo na lang sa kanya ang lahat.”

As DAD (Durugin Ang Droga) Chairman and advocate, naging panata na rin ng isang gaya niyang nalihis ang landas na makatulong sa anumang paraan sa mga kabataang naliligaw.

Comments are closed.