DANIEL PADILLA MAGPAPAKASAL ‘PAG BILYONARYO NA

SUNOD-sunod ang marriage proposals sa showbiz ngayon. At isa sa inaaba­ngan ay reflectionang pagpo-propose ni Daniel Padilla sa reel-and-real life partner niya na si Kathryn Bernardo

“Masyado pang maaga,” sabi ni Daniel sa amin.  “Diyos ko! Kung ngayon, e, bilyonaryo na ako’t ano, bukas na bukas magpapakasal na tayo.”

Wala pa ba siyang balak?

“Hindi….hindi. Marami pang kailangang trabahuin. Marami pang kaila­ngang itaguyod. Kaya doon muna tayo.”

Trabaho raw muna ang pokus ni Daniel. This year, wala masyadong project ang aktor kumpara sa mga ginawa ni Kathryn, so, we asked him kung kailan ang next project niya.

“Soon, very soon,” paniniyak ni Daniel. Magsu-shoot na kami sa January.”

Teleserye raw ang una niyang gagawin. Then, may gagawin siyang pelikula. Inamin ni Daniel na na-miss niya ang pagtatrabaho.

“Yes, siyempre na-miss natin ang magtrabaho. Pero masaya rin ako, nakapag-relax ako at  nabigyan ko ng oras ang sarili ko, pamilya ko, mga kaibigan ko. At  na-enjoy ko ang buhay ko kaya very fresh ako ngayon. Gusto ko magtrabaho naman,” sey niya.

Wala pa raw title ang gagawin niyang serye at wala pa ring director.

“Uh, hindi pa kami nakakapag-official pitching ng kwento, e. Pero kaila­ngan ng mag-shoot sa January or February.”

Pero bago raw niya gawin ang teleserye at pelikula sa 2020, magka-movie raw muna siya with Charo Santos na dinirek ni Carlo Manatag.

“Title? Huwag muna. Baka hindi pa pwedeng sabihin. Hindi siya under Star Cinema. Medyo indie, basta isa siyang film. Ayaw kong sabihin kung ano klase ng movie.”

DIMPLES ROMANA INAMING MAS MAHIHIGITAN SIYA NI ANGEL SA PAGPAPAMILYA

EXCITED na si Dimples Romana sa pagpapakasal ni Angel Locsin kay Neil Arce. Knows ni Dimples na magiging mabuting partner in life at ina si Angel gaya niya.

“Alam mo sa aming dalawa mas nurturer ‘yun. Na-experience ko na ‘yan over and over. And, hindi ko kailangang ulitin kung gaano karaming tao ang inaalagaan ni Angel, mapa-pamilya niya man o hindi. Napakabuti ng puso niyan, e. I know that when she becomes a wife and a mother, she will be more than me,” lahad ni Dimples sa grand media launch niya bilang endorser ng isang personal accident insurance.

Nilinaw naman ni Dimples na ‘di nag-shoot sina Angel at Neil ng kanilang prenup sa Rome kung saan kabilang sila sa Kapamilya stars na dinala ng ASAP doon.

“That was only a travel shoot, I think, ha. Wow! Spokesperson talaga ako. Baka kapag nagkamali pa ako mabatukan pa ako. Pero hindi pa. I think meron pang hiwalay. Ano naman sila, ang ganda lang ngayon kasi sa social media  pwede  ka ng magpa-pictorial ng maraming gumawa noon, e, sa Sweet Escape. Nag-ganoon na rin ako, e, for Thailand. Pero nu’ng nag-propose si brother  ko.”

May nagtanong din kay Dimples kung inalok o binigyan na niya si Angel ng ini-endorse niya na insurance knowing kung gaano ka-prone sa aksidente ng soon-to-be Mrs. Neil Arce.

“Bibigyan ko nga siya, e. Padadalhan ko siya ng tatlong P500 papadala ko sa kanya kasi pwede  sa isang tao, tatlo, e. Hindi rin namin napag-usapan kung may insurance na siya, e. Pero kasi, ang taong ‘yun laging handa parati. So, hindi ako magugulat.”

Ayon kay Miss Roselle C. Marirag, General Manager of Agile Insurance Agency and Business Technologies Inc., “Dimples is a relatable brand endorser for because she represents our target market: family nurturers who are central in every Filipino family and will do anything to ensure their loved one’s security and success.”

Tumpak!

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *