DANTRE VARONA MAS TAHIMIK ANG BUHAY SA US

Hindi nagsisisi ang dating sikat na action star na si Dante Varona sa pag-alis niya sa showbiz at pagtira sa Amerika.

Ngayong 67 years old na siya, malamang, hindi na alam ng mga kabataan na naging tanyag na action star si Dante noong ’70s at ’80s, kasabayan nina Rudy Fernandez, Anthony Alonzo, at Lito Lapid. Nag-produce at nagdirek din sya ng pelikula, at dahil sa husay niya, binansagan siyang “King of Stunts” dahil siya mismo ang gumagawa ng kanyang action stunts kahit na mahihirap. Naging malaking balita pa nga noon ang pagtalon niya sa San Juanico Bridge sa Samar, Leyte nang walang harness para sa pelikulang Hari ng Stunt noong 1981.

Nakagawa siya ng higit isang daang pelikula sa loob ng halos tatlong dekada saka siya nagdesisyong lisanin ang showbiz at manirahan sa Amerika kasama ang kanyang pamilya. Ni hindi raw niya nami-miss ang dati niyang buhay sa Pilipinas.

“Dito yung iba, nagti-tripping mag-produce. Yung iba, kukunin ka. Sabi ko, ‘Hindi. Retired na ako. Ayoko na,” ani dante.

Hindi raw niya pinangarap pumunta at manirahan sa Amerika kaya nagtayo siya ng maliit na film production outfit, pero hindi raw pinapansin sa Pilipinas ang maliliit na film outfits kagaya ng Bathala Films. Mahirap daw ang booking, kaya nalugi siya. Pero sa US, nakapagsimula siya uli ng bagong buhay na mas tahimik. Mayroon na raw siyang negosyong janitorial services. Pati raw siya, mismo, naglilinis.

Pumasok din daw siyang security personnel, hanggang sa magretiro siya, pero kahit retired na siya, nagtatrabaho pa rin. Pero hindi raw siya humahawak ng baril dahil sanay naman siya sa martial arts. – KAYE NEBRE MARTIN

6 thoughts on “DANTRE VARONA MAS TAHIMIK ANG BUHAY SA US”

  1. 920390 847261We offer the best practical and most applicable solutions. All our Sydney plumbers are experienced and qualified and are able to quickly assess your dilemma and find the very best remedy. 560212

Comments are closed.