ANO kaya ang dahilan at gigil na gigil ang Bureau of Philippine Standards (BPS) at ang Department of Trade and Industry ( DTI) na ipatupad agad ang isang Department Administrative Order (DAO) na nagsusulong para imandato ang lahat ng nag-aangkat at gumagamit ng mga yerong pambubong na magsumite ng sertipikasyon na ang kalidad ng kanilang produkto ay ayon sa teknikal na grado na isinasaad sa DAO ng DTI?
Mukha yatang lubos na pinahihirapan ng DTI ang maliliit na negosyante natin sa pagpapatupad ng nasabing DAO. May mga report kasing lumabas na wala umanong konsultasyon na naganap sa hanay ng mga gumamit ng yero at basta na lang nag-isyu ng nasabing DAO ang DTI.
Kaya naman medyo naiinis at nagtatanong ngayon ang kilalang abogada na si Atty Trixie Cruz-Angeles, bakit nga ba kailangang madaliin ng BPS/DTI ang pagpapatupad ng DAO. May pinapaboran ba silang malaking kompanya na magbebenipisyo sa pagpapatupad ng DAO?
Ayon kay Atty. Angeles, na tumatayong tagapagsalita ng mga negosyante sa industriya ng yero, isang balakid sa pag-unlad at anti-poor ang DAO ng DTI. Malamang ay magbunga ito ng malaking epekto sa maliit na negosyante na nangangailangan ng mga gamit pambubong para magawa at matapos ang kanilang mga produkto o proyekto.
Kasama na rito ang mga pamilya na nagnanais makapagpatayo ng kanilang dream house, lalaki lalo ang pondong kailangan nila dahil sas magmamahal ang mga yero, ani Atty. Angeles.
Ang DAO 10-20 ay isang regulasyon na teknikal na minamandato ang lahat ng materyales na pambubong kagaya ng hot-dipped metallic-coated at pre-painted galvanized steel coils, pati na mga sheets na pambubong at gamit pangkahalatan, na kumuha muna ng sertipikasyon sa BPS/DTI.
Ang malaking tanong ay bakit pati ang mga negosyong ‘di naman kailangang sumunod sa nasabing sertipikasyon na dapat may tamang kapal ang mga steel coil materials sa kanilang gamit na pambubong ay isinama ng DTI sa DAO?
Mungkahi ni Atty. Angeles, kailangan na muling masususing pag-aralan ng DTI/BPS ang kanilang polisiya at huwag munang ipatupad ang nasabing DAO para na rin sa kapakanan ng mga nakakarami at maliliit na negosyate.
Sana naman ay pakinggan ang hiling ng mga nasa industriya ng yero na pag-aralan muna ang nasabing DAO. Tila hindi nakita ang maaaring epekto nito sa mga susunod na buwan kung saan magkakaroon ng kakulangan ng supply ng yero sa merkado. Huwag na sana paabutin ng DTI na sumabog ang isyung ito sa mukha nila pagdating ng panahon ng tag-init, baka masunog pa si Sec. Lopez kasama ang ilang mga opisyal niya sa DTI kay Pangulong Duterte.
278587 652262Hey there. I want to to inquire somethingis this a wordpress weblog as we are thinking about shifting over to WP. Also did you make this theme on your own? Thanks. 895463