DAPAT GAWIN BAGO PATAKBUHIN ANG SASAKYAN

patnubay ng driver

GOOD DAY mga kapasada!
Mahalagang paksa ang tatalakayin natin sa isyung ito. Unawaing mabuti para maiwasan ang malaking gastos sa pagpapaayos ng sasakyang gi-nagamit natin sa paghahanapbuhay.
Upang mapanatili ang good performance ng sasakyan, napakahalaga na napananatili natin ang magan-dang kondisyon nito habang minamaneho nang matiyak na rin ang kaligtasan. Kaya bago ito paandarin, tsekin munang mabuti.
Narito ang bahagi ng sasakyan na kailangang i-check bago paandarin.
1. MGA ILAW
Siyasating mabuti kung ang mga ilaw ng iyong sasakyan ay gu­magana ng maayos at walang kahit na anong problema. Buksan ang lahat ng mga ilaw at tingnan kung gumagana ng ma­ayos ang mga su-musunod:
a. head light
b. emergency lights
c. signal lights
d. brake lights
e. reverse light at
f. park light.
2. ENGINE OIL
Lubhang mahalaga ang engine oil sa makina ng sasakyan. Ito ang susi ng long life ng makina.
Payo ng mga eks­perto, huwag kaliligtaang tingnan ang oil level ng sasakyan. Maaari itong gawin sa umaga bago paandarin ang makina para masig-urong ang level nito ay tama nang maiwasan ang prob-lema sa:
a. piston
b. bearings at
c. iba pang moving parts sa loob ng engine.
Ang oil ay nagsisilbi ring coolant dahil ina-absorb nito ang init mula sa ilang bahagi ng makina.
Kailangang palitan ang engine oil ayon sa nakasaad sa Manufacturer’s manual sa dahilang nawawala ang effectiveness ng carbon or metal particles as well as the velocity are decrease.
Kung hindi mapapalitan ang oil on a certain period, ang wear and tear ay madaling masisira ng corrosion at kasabay nito, mag-o-overheat ang makina.
Karaniwang pinapalitan ang engine oil kada 5000 km ang natakbo o kaya ay kada tatlong (3) buwan de-pende sa limit ng ng driving condition. Sever driving means driving on dusty areas, repeated short dis-tance driving o kaya ay paghila ng trailer o extensive idling ng makina.
3. FLUIDS
Tingnan ang ilalim ng makina sa umaga bago paandarin ang makina. Malasin kung mayroong mga unu-sual na tagas na nakamarka sa garahe. Kung walang tagas na makita, tsiken ang fluid level.
Check the coolant level ng radiator. Tiyakin na may sapat na coolant ang radiator.
Kasabay nito, tsikin din ang coolant reservoir. Ang recommended coolant mixture ay 40% – 50%, gayunman, sa panahon ng tag-init (summer) guma­mit ng 30% coolant mixture ratio.
Kung malimit gamitin ang sasakyan, makabubuti na palitan ng malimit kaysa dati upang mapanatili ang cool temperature ng makina at maiwasan ang pagkakaroon ng overheating.
Tsikin din ang level ng brake fluid. Sa fluid reservoir, mayroon doong indication ng minimum at maxi-mum range, kailangang nasa tama o naaayong range ang fluid level. Gayundin, mahalaga ang pagpapalit ng brake fluid dahil sa ito ay nade-deteriorate ng pawis in air mixing ng brake fluid sa hose o reservoir tank cap, gayundin ng oxidation na likha ng friction sa loob ng cylinder.
Tsikin din ang electrolyte level ng battery sa pamamagitan ng pag-aalis ng filter cap. Tiyaking ang bat-tery fluid ay sagad sa battery plates. Kung kinakailangan, dagdagan ng distilled water hanggang sa umapaw sa ibabaw ng battery plates.
Gayundin, malasin ang battery connection sa terminals at tiyakin na mahigpit ang cable at terminal.
4. ANG GULONG
Suriing mabuti ang gulong bago gamitin ang sasakyan lalo na kung malayuan ang biyahe. Kung may makitang crack o sira, ayusin ito. Kailangang nasa wastong presyon ang gulong. Sangguniin ang inirerekomendang pressure sa manufacturer’s manual.
Sa pamamagitan ng pagggamit ng tire pressure gauge, tiyakin na katulad ang pressure nito sa na-katakda sa manufacturer’s manual. Huwag ding kali­limutan na tsikin ang spare tire para may magamit sakaling masiraan.
5. TOOLS
Panghuli, huwag kaliligtaan na tsikin kung may dalang mechanical tools in case na may ‘di inaasahang problema sa biyahe.
Tiyakin na may dala kayong jack at mga tire wrench at huwag na huwag kaliligtaang dalhin ang inyong Early Warning Device (EWD) dahil kasama ito sa kahingian sa paglalakbay ng EWD Law ng traffic.

MABUBUTING ASAL SA PAMAMASADA

Maituturing na cardinal rule sa pamamasada ang “konsiderasyon at kor­tesiya sa pasahero.”
Sa tuwing hahawak ng manibela, nagkakaroon tayo ng kapangyarihan hindi lamang sa sakyan kundi pati na rin sa mga nakasakay rito.
Bawat kapangyarihan ay may kasamang responsibilidad. Kung paanong may karapatan tayong imanio-bra ang sasakyan ayon sa ating kaalaman bilang driver, gayundin ang karapatan ng ating mga pasahero sa proteksiyon at paggalang natin.
Bukod sa sari­ling kaligtasan, marami ring pakinabang tayong makukuha sa pagbibigay ng kortesiya at konsi­derasyon sa mga pasahero. Gumagan-da ang relasyon natin sa kanila. Sa bandang huli, gagaan ang pakiramdam sa atin ng ating pasahero.
Karamihan sa kapuri-puring relasyon ng driver at pasahero ay nakabatay sa isang prinsipyo – “huwag nating gagawin sa iba ang ayaw nating gawin sa atin ng iba”.
LAGING TATANDAAN – Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

Comments are closed.