GOOD day mga kapasada!
ANG pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa pag-aalburoto ng engine o makina. Kadalasan itong nangyayari kaya’t dapat ay handa ang bawat drayber nang dumating man ang ganitong problema, may kaalaman sila o alam nila kung ano ang kailangang gawin.
Ayon kay Jess Viloria, isang professional mechanic na laging sinasangguni ng pitak na ito, kapag umingay ang busina ng tuloy-tuloy kahit hindi ito dinidiinan, tiyak na may short circuit sa mga koneksiyon nito.
Payo ng ating kasangguni, tagtagin ng malakas ang busina, kung hindi pa rin ito tumigil sa pag-busina buksan ang hood at putulin ang koneksiyon nito. Dalhin din kaagad sa elektrisyan at patingnan ang sira o ang dahilan ng tuloy-tuloy na pagbusina kahit na hindi naman ito pinipindot o dinidiinan.
NAIPIT NA STARTER: Mahalaga ang papel na ginagampanan ng starter sa sasakyan lalo na kung ginagamit ito sa han-apbuhay. Kung walang starter, malamang na puro tulak ang aabutin ng sasakyan. At kung kayo ang drayber, gusto ba ninyong laging itinutulak ang inyong panghanapbuhay?
Payo ng ating resource mechanic, kung naipit ang starter ng sasakyang inyong minamaneho, huwag nang itulak ito. Ikambyo sa tercera at ugain nang ilang ulit ang sasakyan pausad at paatras hanggang makarinig kayo ng “klik”.
Kapag kayo ay nakarinig ng klik, tiyak na bumitaw na ang ipit ng inyong starter.
PAGTAGAS NG GASOLINA: Delikado ang pagtulo ng gasolina sa inyong sasakyan. Maaaring ito ay pagmulan ng sunog at iba pang grabeng bagay na ‘di inaasahan.
Kung humina ang accelerator o namatay ang makina kahit puno ang gas tank, tiyak na may butas ang gas tank o alin-mang koneksiyon nito.
Payo ni Jess, sa ganitong pangyayari, puwede munang takpan ang butas sa pamamagitan ng kinipil na sabon at dalhin ang sasakyan sa pinakamalapit na service station.
‘Kung mahina naman ang agos ng gasolina sa karburador kahit na puno ang gas tank, maaaring napasukan ng hangin ang mga koneksiyon sa gaso-lina o kaya ay barado naman ang karburador o fuel filter, o kaya’y nag-overheat na ang makina.
Makabubuti aniya na takpan ang butas na pinapasukan ng hangin, ipa-service ang fuel filter at karburador o palamigin ang makina.
Kung ang coil ang nag-iinit, kumuha ng basahang basa at ibalot sa coil hanggang sa lumamig.
I-start ang makina sakaling malamig na ang coil. Kung hindi pa rin mag-start, makabubuting dalhin sa tabi ng bangketa sa kanang bahagi ng daan ang sasakyan at tumawag ng mekaniko sa pinakamalapit na service station. Iwasan ang ku-masundo sa mga ambulant mechanic upang maiwasan ang masamang modus ng mga ito.
POSIBLENG DAHILAN NG OVERHEATING NG ENGINE
Napakaraming dahilan kung bakit nag-iinit ang makina (overheating), na ang kahihinatnan ay ang paghinto nito sa pag-andar.
Ayon sa ating kasangguni, ang karaniwang dahilan ng pag-iinit ng makina (overheating) ay kakulangan ng tubig, sirang water pump o radiator, si-rang hose o kaya ay maluwag lamang ang fan belt.
Kung mayroon kang inisyatibo, kaya mo itong gawin ng mag-isa o ang tinatawag na do-it-yourself (DIY).
Sa ganitong pagkakataon o pangyayari ay tiyaking sapat ang tubig ng radiator ng makina, linising mabuti ang radiator sapagkat ang bnaradong radia-tor ang nagiging permihan ang tubig (stagnant) at napipigilan ang mabilis na serkulasyon ng tubig sa makina.
Linisin ang radiator sa pamamagitan ng radiator solution, palitan ang sirang water pump o hose, o higpitan ang fan belt.
Payo sa mga drayber, ugaliin ang magbasa ng engine manual at itanim sa diwa at isipan ang mga simpleng solution sa problema ng makina.
Gaya nang dati, maraming salamat kasangguni sa kaalamang ibinahagi.
TROUBLE SHOOTING NG KARBURADOR
Ang karburador ay karaniwang nagkakadepekto laban sa dumi, pandikit at karbon. Para mabawasan iyon, kalasin ang yunit at linising mabuti sa al-cohol o petrolyong nakatutunaw ng lahat ng bahagi nito minsan isang taon.
Ayon sa ating napagtanungan nating may kaalaman sa ganitong problema, ang mga karaniwang sanhi ng pagluluko ng karburador na kinabibi-langan ng mga susmusunod:
a. maling pagkakaayon ng turnilyo ng idling mixture.
b. depektado o sira ang turnilyo ng idling mixture.
k. butas ang itaas na dulo ng low speed jet.
d. labis o depektado ng metering hole sa low speed jet.
e. butas sa main nozzle gasket.
g. karbon sa mga butas na kinalalagyan ng throttle valve.
h. maling pagkakalagay ng throttle valve.
i. pagkakabara ng mga butas ng air bleed. Napupuna kapag ang makina ay ‘di pa rin umaandar matapos maiayon ang mixture adjusting screw.
Sakaling sa kabila ng maingat na pag-aayon ng turnilyo ng mixture ay ‘di makapagwawasto sa depekto, alisin ang low speed jet o jet at linising mabuti ang mga ito sa pamamagitan ng compressed air.
SOBRANG HINA NG IDLING MIXTURE:
a. dahilan nito ay lubhang limitado o napakahina ng idle discharge ports.
b. maling pagkakanal sa dulo ng idling mixture screw.
k. maluwag ang throttle shaft lever.
d. limitado ang daanan ng idling mixture.
e. butas ang sapatilyang sagkaan ng hangin.
g. labis ang laki ng daanan ng hangin (air bleed) o by-pass hole sa casting at
h. maluwag ang plug ng idle port.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.