DAPAT MALAMAN NG DRAYBER SA BATAS NG MMDA

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Gusto kong ulitin para sa inyong kaligtasan sa paggulong sa lansangan ngayong “Ber Months” na huwag kayong kaskasero baka kayo ay pulutin sa sementeryo.

Mahirap bang unawain ang pariralang ito, mga kapasada? Igalang natin ang batas trapiko para tayo ay makarating nang maluwalhati sa ating paroroonan (destination) ng walang anumang dapat pagsisihan.

Salubingin natin ang pagsilang ng Misias sa Sabsaban at awitin natin ang Osana bilang pagbibigay pugay sa daki­lang pagsipot sa daigdig ng kabanalan na siyang tutubos sa ating mga nagawang pagkakasala sa lahat ng bagay.

Mga kapasada, mahalagang paksa ang ating tatalakayin sa isyung ito ng Patnubay ng Drayber.

Hanggang ngayon, sa ating obserbasyon, marami pa rin sa ating mga kasalamin ang kapos sa kabatiran sa paksang ating tatalakayin.  Unawain, isaisip at isakatuparan ang anumang inyong mababatid o masisipi sa isyung ito.

DAPAT AT ‘DI DAPAT NA GAWIN NG MMDA ENFORCER

mmda enforcerAyon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kabilang sa dapat at hindi dapat gawin ng mga MMDA Traffic enforcer na kailangang alam ng mga driver ay ang mga sumusunod:

  1. Hindi pinahihintulutan ang mga MMDA enforcer na magsama-sama sa panahong nang­huhuli.

Ipinagbabawal din sa kanila ang tumayong magkasama (group of 2 o higit pa) maliban sa aktuwal na oras na nagsasagawa ng special ope­rations (halimbawa) sa panghuhuli ng groups of smoke-belching, colorum buses.

  1. Ang swerving o pagpapalit ng linya ay hindi isang traffic violation. Ito ay pagpapatakbo ng sasakyan ng paglipat mula sa kanyang tinatakbuhang linya sa ibang linya (vehicle shift from a lane to another).

Gayunman, maaaring ito ay lumabag sa batas sa reckless driving kung ito ay ginawa ng drayber nang walang anumang babala (precaution) tulad ng swerving in an abrupt and careless manner tulad ng ‘di paggamit ng signal, at swerving across solid lines.

Ayon pa sa updated na batas ng MMDA, malalabag ang batas sa swerving kung hindi igagalang ng drayber ang traffic signs na tuwirang  nagsasaad na ipinagbabawal ang swerving sa pook, gayunman, hindi naman maaaring kum­piskahin ng traffic enforcer ang driver’s license (except on following situations):

  1. A driver’s license cannot be confiscated by a traffic enforcer du­ring traffic apprehension maliban sa mga pangyayaring tulad ng:
  2. sangkot ang driver sa isang traffic accident.
  3. ang driver ay nagkaroon na ng tatlo (3) o higit pang hindi naaayos (unsettled) na violations.
  4. ang isang drayber ay nahuli (apprehended sa paglabag sa mga violations tulad ng:

– pagbibigay pahintulot sa ibang driver na gamitin ang kanyang lisensiya.

– basag (broken) ang sealing wire.

– broken ang taximeter seal.

– colorum operation (cargo/passenger vehicle)

– driving against traffic

– nagmamaneho ng lasing o nakainom ng ipi­nagbabawal na gamot.

– Fake/altered taximeter seal.

– Fake driver’s license.

– Fast/defective/non-operational/tampered taxi meter.

– Ilegal or unautho­rized counter-flow.

– No driver’s ID.

– ‘Di paggalang sa Organized Bus Route (OBR).

– Overcharging (with or without conductor for second offense).

– Reckless driving (for the 2nd offense at

– Pagtangging magsakay ng pasahero sa kanyang destinasyon/trip-cutting (taxis and public utility vehicles at iba pa.

Bilang karagdagang parusa sa nabanggit na mga paglabag sa administrative violation ay isasailalim din sa dalawang oras na seminar (para sa drivers) sa traffic aca­demy.

Samantala, ayon sa MMDA, ang sino mang driver na nakagagawa ng tatlo (3) o higit pang hindi nabayarang paglabag, maging sa administrative or moving, ay isasailalim din sa seminars, na ang itatagal ay ibabase sa resulta ng diagnostic exam (exam that will determine the contents of the seminar progress) na isasagawa ng agency.

  1. Ang mga pribadong sasakyan ay hindi pinahihintulutang tumahak o maglandas sa yellow lane maliban kung ito ay liliko – sa pasubli na magsisimula na silang magpalit ng linya matapos makita ang transition lane (broken white lanes painted diagonally) na matatanaw 50 meters mula sa intersection.

Ang motorista na gustong lumiko sa kanan ay kailangang mag-merge sa kanan 12 metro bago dumating sa intersection at ang mga motoristang papasok sa roadway ng mga bus o PUJ lane ay kailangang mag-merge 20 meters mula sa intersection.

Samantala, sinabi ng MMDA ang selective apprehension ng mga pribadong sasakyan na gumagamit ng yellow lane ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang yellow lanes (1st and 2nd lanes) sa EDSA ay para lamang sa city buses at ang mga ito ay hindi naman pinahihintulutang lumabas sa yellow lanes.  Sakaling lumabag sila sa kautusang ito ay huhulihin sila bilang paglabag sa yellow lane policy, ayon pa sa MMDA.

BAWAL SA PROVINCIAL BUSES ANG PAGGAMIT NG YELLOW LANE

BUSESMariing sinabi ng MMDA na ang mga provincial buses ay hindi pahihintulutang gumamit ng yellow at sa halip hinihikayat (encourage) sila na gamitin ang third lane.

Ang bawat Traffic Enforcer ay may kani-kanilang nakasulat na mission order mula sa MMDA Central Admin na nagpapahiwatig ng kanyang area of responsibility (AOR) at oras ng kanyang duty.

Nakatadhana sa mission order ang kanyang mga responsibilidad of performing traffic direction and control (TDC) ang kanyang gampanin at pagkakaloob ng assistance in traffic crash investigation.

Ang Personnel Inspection Monitoring Group (PIMG) at ang MMDA officer ay hi­hingiin ang mission order sa panahon ng inspection/monitoring ng TE’s at kung saang pook ito nakatalaga (assigned) kung kinakailangan.

Gayundin, sinabi ng MMDA  na tanging mga Deputized Traffic enforcer lamang ang may karapatang pumara (flag down) sa sasakyang lu­mabag sa ipinagbabawal ng batas.

Samantala, may ka­ra­patan ang hinuling motorista matapos na maipakita ang kanyang driver’s license sa Traffic enforcer na ipakita naman sa kanya ang mission order nito to avoid any further confusion.

KAILANGANG IN COMPLETE UNIFORM ANG TRAFFIC ENFORCER

DRAYBER-2Binigyang diin ng MMDA na ang mga traffic enforcer na magbibigay (issue) ng OVR ay nakasuot ng kanyang official na uniform na nakalitaw (visible) ang kanyang nameplate.

Ang mga traffic enforcer ay binigyan ng instruction na gawin ang OVR (Ordinance Violation Receipt) nang walang pagkabalam o argument sa lansangan upang maiwasan ang pagbubuhol ng trapik.

Samantala, ang mga apprehending enforcer ay pinahihintulutang magbigay ng isa pang OVR para sa storage fee.

Sakaling  mabigo ang may-ari ng na-impound na sasakyan matapos na ‘di mabayaran niya ang multang ipinataw sa takdang panahon ng impounding, ang impounding officer ay magbibigay ng kahiwalay na OVR na nagpapahayag ng bilang ng mga araw na nanatili ang sasakyan sa impounding area.

Samantala, nilinaw ng MMDA na bago magsagawa ng flag down ng sasakyan ay kaila­ngan muna itong itabi sa roadside upang hindi ito makapagdulot ng buhol ng trapik.

Matapos maiparada sa gilid ng lansangan ipa­liliwanag naman ng apprehending traffic enforcer ang violation kung bakit ito  hinuli.

Sa panahon ng apprehension, pinahihintulutang maging isang valid driver’s license ang mga sumusunod:

  1. ID plastic card
  2. DLR/Temporary Driver’s License
  3. TOP (Temporary Operator’s Permit
  4. Foreign license
  5. Valid LGU OVR

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti. (google photos)

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.