DAPAT NGA BANG PATAWAN NG BUWIS ANG SOCIAL MEDIA INFLUENCERS?

KAHIT noong wala pang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay maraming personalidad na ang gumagawa ng sarili nilang content para sa kanilang YouTube channels.

Bukod dito, patok din ngayon sa buong mundo ang Instagram, Twitter, Facebook, TikTok at iba pang platforms.

Mabilis magpadami ng kanilang followers ang mga mahuhusay at talagang malikot ang imahinasyon o mabilis makapag-isip ng kanilang content, lalo na ang mga sikat sa telebisyon, pelikula o showbiz.

Hanggang pinasok na rin ito ng advertisement.

Ang bagong tawag sa kanila ay social media influencers na umabot na sa milyones ang subscribers at followers sa iba’t ibang platforms.

Hindi lingid sa marami na puwede naman talagang kumita sa YouTube sa pamamagitan ng pag-a-apply at pagkakatanggap sa kanilang Partner Program.

Aba’y maaari ring maging kwalipikado na makatanggap ng mga bonus bilang bahagi ng pondo ng YouTube Shorts kung hindi kabilang sa monetization program ng YouTube.

Kabilang sa mga tanyag ngayon sa socmed sina Marian Rivera (25.4M), Niana Guerrero (23.7M), Angel Locsin (23M), Anne Curtis (18.2M), Sen. Manny Pacquiao (17.6M), at marami pang iba.

Namamayagpag din sina Vice Ganda at Anne Curtis sa Twitter na nasa 14.1M ang followers.

Nakabuntot naman sa kanila sina Kathryn Bernardo, 10.5M, Maine Mendoza, 6.4M, Alden Richards, 5.8M, Lea Salonga, 5.6M, Alex Gonzaga, 5.3M, at Liza Soberano, 4.5M.

Sa Instagram, numero uno rin si Curtis at iba pang sikat na celebrities na sina Liza, Bernardo, Pia Wurtzbach, Andrea Brillantes, Catriona Gray, Ivana Alawi, Alex, Angel Locsin, at Marian Rivera.

Nariyan din sina Maine, Alden Richards, Andi Eigenmann, Kyle Echarri, KC Concepcion, at iba pang showbiz personalities.

Siyempre, naghahari bilang top vloggers o content provider sa YouTube ang mga malalaking TV stations, at ilang TV programs.

Ngunit nasilip na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax liabilities daw ng mga sikat na personalidad.

Kaya maaaring singilin ang social media influencers na kumikita sa pamamagitan ng kanilang social media accounts o pages kasunod ng Revenue Memorandum Circular na inilabas ng BIR.

Well, ibinabala ng ahensiya na kailangang magparehistro na ang mga ito.

Sakaling matuloy ito, aba’y tiyak na makakakolekta ng limpak-limpak na buwis ang BIR mula sa mga kilalang social media influencer sa iba’t ibang platforms.

Naalala ko tuloy na may isang Taiwanese na nagngangalang Winnie Wong na sinita ng Bureau of Immigration (BI) dahil daw sa paglabag sa immigration laws at kawalan ng permit para magtrabaho sa bansa.

Tulad ng ibang mga kababayan natin, si Wong na isang dayuhan, ay sikat bilang vlogger at influencer sa Pilipinas kung saan gumagamit siya ng alyas na Penelope Pop.

Dahil pamoso nga, nakakakuha siya ng endorsement projects mula sa kilalang brands sa bansa.

Huwag sanang palampasin ng mga awtoridad ang ganitong klase ng panloloko.

Mula nang pumutok ang pangalan ni Wong, tila wala na tayong narinig pa mula sa BI hinggil dito.

Nawa’y hindi ningas-kugon ang ginagawa ng BI at BIR.

Nagsasawa na ang taumbayan sa mga ganitong pahayag ng mga ahensiya ng gobyerno na animo’y nambobola lamang.

Dapat alisin na ang ugaling ningas-kugon na kung kailan may nagsasalita ukol sa paglabag ng ilang vloggers at mag-e-eleksiyon ay saka nagbabantay at naghihigpit.

Mahalagang isagawa ito ng nasabing mga ahensiya sa lahat ng pagkakataon.

93 thoughts on “DAPAT NGA BANG PATAWAN NG BUWIS ANG SOCIAL MEDIA INFLUENCERS?”

  1. 467287 694621Hello. I wanted to ask 1 thingis this a wordpress internet site as we are planning to be shifting over to WP. Furthermore did you make this template yourself? Thanks. 135571

  2. 39357 256507An attention-grabbing discussion is worth comment. I believe that you need to write a lot more on this matter, it wont be a taboo subject even so generally persons are not sufficient to speak on such topics. Towards the next. Cheers 936048

Comments are closed.