(Dapat paghandaan ng PH labor market)DAGDAG NA 1.5M WORKFORCE

Joel Villanueva

TAHASANG sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na kailangang paghandaan ng labor market ng bansa ang 1.5 milyong indibidwal na nakatakdang mapabilang sa mga Pilipinong maghahanap ng trabaho ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi nagbago ang unemployment rate noong Pebrero 2023 sapul noong Enero ng taong ito sa 4.8% o 2.47 milyong Pilipino.

Ayon kay Villanueva, dahil sa mga bagong papasok sa labor force, tiyak na madadagdagan pa ang bilang ng mga unemployed at underemployed sa bansa lalo na kung walang gagawing pagsisikap ang pamahalaan para sa pagbuo ng trabaho at upang tugunan ang agwat sa school-to-work transition at job-skills mismatch.

“Predictable po ang pagpasok at bilang ng mga bagong manggagawa sa labor force taon-taon pati na rin ang mga trabahong nakadepende sa pagkakaroon ng mga okasyon o seasonal employment,” diin ni Villanueva, dating kalihim ng Technical Education and Skills Development Authority.

Ayon sa bagong PSA Labor Force Survey, ang sektor ng agrikultura ay may 11.76 milyong employed persons, 7.95 milyon naman sa sektor ng industriya at 29.08 milyon sa sektor ng serbisyo.

“We have to assist agri-fishing, manufacturing, and other sectors to create new and sustainable jobs, address issues on school-to-work transition and ensure industry-relevant skills and core skills such as critical thinking, creativity, communication and collaboration,” paliwanag ng senador.

“More is needed in job generation from all agencies if we want to step-up from cyclical unemployment,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang buwan, inisponsoran ni Villanueva ang Senate Bill 2035 o ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan na naglalayong bumuo ng komprehensibong employment generation at recovery masterplan.

Layunin ng TPB na pasiglahin ang national at local economic growth and development sa pamamagitan ng paghanay ng investment at iba pang insentibo na ibinigay ng batas para sa pagbuo ng mas marami pang trabaho, na siyang tutugon sa maraming hamon sa labor market; pagsulong ng employability, competitiveness, wellness, at productivity ng mga manggagawa sa pamamamagitan ng mabisa, epektibo at napapanahong paghahatid ng industry-relevant skills training and enhancement programs, reintegration pathways, aktibong labor market activities, at iba pang serbisyo; Magbigay ng suporta at insentibo sa mga umiiral at umuusbong na mga negosyo, partikular sa micro, small, and medium enterprises, kasama na ang pagpapaganda ng access sa pananalapi at kapital; at magbigay ng insentibo sa mga employer, industry stakeholder at iba pang organisasyon sa pribadong sektor na nag-aalok ng training, technology, knowledge and skills transfer, upskilling and reskilling, at enterprise-based training.

“We have to be proactive in finding solutions especially when it comes to easing unemployment in the country,” pagtatapos ni Villanueva.

VICKY CERVALES