DAPAT PALAGI BINIBISITA ANG MGA MANOK

SABONG NGAYON

SA PANAHON ng tag-ulan ay mas higit na kailangan ng ating mga alaga ang strict attention.

Sa talian dapat agad po natin titingnan ‘yung tambang ng tali na kalimitan ay nabubunot kasi lumambot ang lupa na magiging sanhi para sila ay mag-abutan at tuluyang magpatayan.

“Observe ninyo po ‘yung pinilit ninyong palakihin na sakitin ng bata pa ay palagi po ‘yon ang unang nagkakaproblema na tatamaan ng sakit at tuluyan niyang mahahawahan ‘yung mga healthy natin na mga alaga. Puwede namang ilaban ang manok na nagkasakit basta doon mo siya ilalaban sa nagkasakit din para patas ang laban,” ani Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Tulungan po natin ang ating mga manok habang nasa mga kamay pa natin sila dahil kapag nabitawan mo na siya ay hinding-hindi mo na siya matu-tulungan,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Doc Marvin na ang conditioning ng mga manok panabong ay 365 days a year kaya kinakailangan once a week binibitaw mo sila para magtatanim sa kanila instinct kung paano makipaglaban.

“Ang manok kapag walang training ay nabibingi at nakakalimutan ng pumalo,” sabi pa ni Doc Marvin.

“Huwag ibitaw ang manok na payat at mahina ang katawan kasi matututo sumuot sa ilalim ng kalaban kasi ang tendency niya ay yumuko nang yumuko kasi nga hindi kaya ng katawan niya ang makipaglaban. Naitatanim po ‘yon sa kanyang isipan,” dagdag pa niya.

At sa oras ng laban, mahalaga rin umano na mabilis magtunaw ng kinain ang ating mga panlaban.

“Day of fight the most important thing that you should observe is if your rooster is crop empty (nagtutunaw). It is mandatory to travel our rooster at 4 a.m. to avoid digestive stress and give your morning feeds on the cockpit,” ani Doc Marvin.

“It is a mortal sin to travel our rooster right after feeding. This is my opinion: mabilis magtunaw ay mabilis din pumatay ng kalaban!” pagtatapos niya..

Comments are closed.