DAPAT TANDAAN PARA SA MATIWASAY NA PAGLALAKBAY

patnubay ng driver

GOOD DAY mga Kapasada!

IMPORTANTE ang maingat na pagmamaneho upang matiwasay ang paglalakbay. Sa panahon ngayon na nalalapit na ang Kapaskuhan, marami sa atin ang handa na at nakaplano na ang mga pupuntahang lugar.

At sa mga magmamaneho o magdadala ng sasakyan sa gagawing pagbabakasyon, importanteng maging maingat tayo nang maiwasan ang kahit na anong aksidente. Kailangang itatak natin sa ating isipan ang defensive driving nang maging matiwasay ang paglalakbay.

Ang defensive driving ay paraan ng pagmamaneho na nakatutulong upang maiwasan ang crashes, collision, accident sa lansangan regardless of situ-ation or condition and regardless of actions of other road user.

5 KEY ELEMENTS NG DEFENSIVE DRIVING

Ayon sa instructor ng isang driving school na nakapanayam ng Patnubay ng Drayber, kabilang sa limang key elements ng defensive driving ang:

  1. DRIVING-3LOOK FURTHER AHEAD. Karaniwan sa mga driver ang may uga­ling walang pinapansin kundi ang nakikita sa unahan ng sasakyan. Kailangan aniya sa isang driver na bukod sa pagtanaw sa unahan, paminsan-minsan, pagalain din ang tingin sa mas malayo.
  2. SCAN, PLAN AND ACT. Sa pamamagitan ng pagtanaw ng malayo sa unahan ng sasakyan, makikita ang posibleng hazards at makapagpaplano nang maaga kung papaano maiiwasan ang posibleng panganib sa pamamagitan ng wastong desisyon.
  3. CREAT AND MAINTAIN SPACE. Sa tulong ng defensive driving, makagagamit ng advance driving techniques at makalilikha ng space around the vehicle.

Kung mayroong sapat na space sa magkabilang bahagi ng sasakyan, makatitiyak na ligtas sa banggaan o sabitan dahil makaiiwas sa gitgitan.

Gumamit ng dalawang (2) segundong distance rule gayundin ng diagonal rule na ang ibig sabihin ay manatiling mayroong space kung naiipit sa buhol ng trapiko.

  1. BE SEEN AND PREDICTABLE. Walang sino man ang nagkakagustong masangkot sa isang traffic accident. If you are seen and predictable, other drivers around ay tiyak na magsisikap na maiwasan ang aksidente.

Gumamit ng headlights between sunset and sunrise gayundin ng wastong indicator kung kinakailangan upang mapansin ng ibang driver at makai-was sa sakunang hindi inaasahan.

  1. BE AWARE. Kailangan ng isang drayber ang magkaroon ng ibayong kamalayan sa kanyang kapaligiran. Dahil dito, kailangang ang observation should be further ahead, middle, close behind at sa mga blind spot na ang magiging bunga nito ay maiiwasan ng driver ang anumang bagay na ‘di inaasahan.

ANG BASIC ELEMENTS NG DEFENSIVE DRIVING

Ayon sa Land Transportation Office (LTO) ang basic element ng defensive driving ay ang mga sumusunod:

  1. to see
  2. to recognized and;
  3. to avoid hazard.

SIX DRIVING SAFETY TIPS TO STAY PROTECTED ON THE ROAD

Kabilang sa anim na safety tips na ibinigay ng LTO ay ang:

  1. SAFETY FIRST-10Laging isaisip sa tuwing magmamaneho ang kahingian ng defensive driving tulad ng:
  2. keep 100% ng buong atensiyon kapag nagmamaneho.
  3. gumamit ng defensive driving technique and be aware of what others around you are doing and expect the unspected.
  4. iwasan ang gumamit ng cell phone o anumang electronics device samantalang nagmamaneho.
  5. Prioritize car safety. Planuhin nang mas maaga ang gagawing paglalakbay. Itala kung saan maaaring huminto para sa pagkain o meryenda, magpahinga kung napagod sa pagmamaneho at makagamit ng cell phone kung may tatawagan.

I-adjust ang inyong upuan, mirrors at climate control bago lumarga sa patutunguhan.

  1. Practice safety driving tips. Secure cargo that may move around while the vehicle is in motion. Iwasang pulutin ang items o bagay na nahulog sa loob ng sasakyan.

Kailangang may dalang mga kagamitang madaling madadampot sa panahon ng panga­ngailangan tulad ng toll fees, toll cards at garage passes.

  1. Make time for driving safely. Humintong sandali kung nagugutom para kumain. Practice defensive driving upang mabigyan ang sariling maka-react. Keep a two second cushion between you and the car in front of you at four seconds naaman kung masama ang panahon.
  2. Slow down (hinay-hinay lang). Iwasan ang pagpapatakbo ng matulin. Kung matulin ang takbo, it gives you less time to react and increase the se-verity of an accident.
  3. SEATBELTThink safety. Laging gumamit ng seatbelt sa tuwing magmamaneho. Iwasan ang pag-inom ng anumang inuming nakalalasing at ipinagbabawal na droga.

Gunitain ang mabigat na parusa na itinatadhana sa RA 10586 o ang anti-drunk and drugged Act of 2013.

Ito ang batas na nagbabawal sa mga motorista na magmaneho habang nasa ilalim ng impluwensiya ng nakalalasing na inumin at ipinagbabawal na gamot.

Nakasaad din sa RA 10586 na kailangang nasa zero percent blood alcohol level ang lahat ng drayber ng PUV, trucks, motorcycle at mga private bus.

Maraming paraan upang maiwasan ang aksidente sa kalye. Maging maingat lang at alerto. (photos mula sa indiamart.com, roadsafetyuae.com, colo-nieseniors at woodstockdrivingschool.com)

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang ang buhay ay bumuti.

Happy motoring!

Comments are closed.