IPINAHAYAG ni Department of Agrarian Reform (DAR) ¬Secretary John R. Castriciones na ang agrikultura ang kabalikat para sa kapakanan at kaligtasan ng buong bansa laban sa patuloy na pananalasa ng pandemyang dulot ng Novel Coronavirus 19.
“Maaaring magkamal ka ng maraming salapi, subali’t ito ay magiging walang saysay kung wala nang pagkaing mabibili. Nguni’t kung magtatanim tayo ngayon, makasisiguro tayong may makakain sa kinabukasan,” sabi ni Bro. John, nakasanayang tawag kay Castriciones, bago pasimulan ang ikatlong “Buhay sa Gulay” harvest festival sa Caloocan City, ang ikatlo sa buong Kamaynilaan.
Dagdag niya: “Sa panahon ngayon ng krisis dulot ng pandemya, ang pagsasaka lamang ang natatangi nating pag-asa, ang huling hangganan ng ating kaligtasan o ‘the last frontier for our survival’.”
Pinuri ng hepe ng DAR ang mga maghaha¬laman ng gulay sa siyudad sa pagtugon sa hamon sa paglilinang at pagtatanim sa mga bakanteng lote sa ilalim ng programang “Buhay sa Gulay” na kanya rin mismong naisip nang mapansin niya ang nakatenggang football field sa Saint John Bosco Parish Church, na ngayon ay tinaguriang kauna-unahang vegetable garden city sa buong Pilipinas.
Ayon kay Bro. John, natutuwa siya sa pagbabagong naganap sa da¬ting tambakan ng basura sa loob ng Sunriser Village sa Barangay 167, sa Lungsod ng Kalookan na ngayon ay kaaya-aya nang tingnan, isang tanawin ng kagandahan, at bagong pagkakakitaan at pagkukunan ng pagkain ng bawat Filipino.
Itinuring niyang “bunga ng pawis, tiyaga at pagmamahal” ang mga gulay na itinanim ng mga urban vegetable gardeners na hinog na para anihin.
“Ngayon ang araw na dapat tayong tumayo at harapin ang hamon ng Covid 19. Manindigan tayo sa hamon at simulan ang paglinang at pagtatanim ng mga gulay sa mga bakanteng lote para sa ating pang-araw-araw na pangangailangan,” sambit ni DAR Undersecretary for Support Servi¬ces Emily Padilla.
“Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin,” ani Padilla patungkol sa talatang nakasaad sa bibliya sa Galatian 6.
“Malaking tulong sa aming mahihirap ang programang “Buhay sa Gulay.” Binigyan kami ng pagkakakitaan at pagkukunan ng aming makakain,” sabi ni Julieta Portuguez, 56, lider ng Team Tony, hango sa pangalan ng Punong Barangay 167 Antonio Reyes, isa sa apat na koponan ng mga hardinero.
Sinabi naman ng lider ng Team Yakap na si Lynette Daez, 49, na naging inspirado sila nang magawa nilang baguhin ang hitsura ng covered basketball court at multi-purpose compound sa loob ng Sunriser Village, mula sa pagiging tambakan ng basura tungo sa vegetable garden, mula sa pagi¬ging sakit sa mata tungo sa isa sa ipinagmamalaki ng Sunriser Village.”
705722 655043Hmm is anyone else encountering problems with the pictures on this blog loading? Im trying to figure out if its a difficulty on my end or if its the weblog. Any responses would be greatly appreciated. 7879
788817 844591Hey, you used to write great, but the last couple of posts have been kinda boring I miss your tremendous writings. Past couple of posts are just just a little out of track! come on! 295128
85192 418587I really enjoy examining on this internet site , it has got great posts . 968393
937679 327048There is noticeably a bundle to learn about this. I assume you produced specific nice points in functions also. 560262
444968 206967Outstanding blog here! In addition your web website rather a whole lot up fast! What host are you utilizing? Can I get your affiliate hyperlink for your host? I wish my site loaded up as quick as yours lol. 736113