MAGKAKALOOB ang Department of Agrarian Reform (DAR) central office ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-9) ngayong araw ng Biyernes, Mayo 28, 2021 upang mabigyan ng proteksiyon ang mga empleyado nito mula sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.
Ayon kay DAR Secretary Bro. John Castriciones, matagal nang inaasam-asam ng mga empleyado na sila ay mabakunahan simula nang magkaroon ng pandemya ng nakahahawang sakit na ito kung saan apektado hindi lamang ang bansa, kundi ang buong mundo.
“Sa pamamagitan ng bakunang ito, mabibigyang proteksiyon hindi lamang ang pisikal na kalusugan nila kung hindi pati na rin ang kanilang kalusugang pang-kaisipan at kagalingan. Ang pandemyang ito ay nagdulot ng depresyon, pagkabalisa, hindi pagkatulog at iba pang negatibong emosyon dahil sa takot na magkaroon sila ng sakit na ito,” ani Castriciones.
Sinabi ng kalihim na simula nang dumating ang bakuna sa bansa, hindi sila tumitigil na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Quezon City upang masiguro na mabibigyan ng bakuna ang mga empleyado ng DAR.
“Ang bawat ama ay nagnanais na bigyang proteksiyon ang kaniyang mga anak laban sa anumang kapahamakan, at bilang ama ng ahensiya nais kong maproteksiyunan ang aking mga tao. Inatasan ko rin ang mga DAR regional directors na makipag-ugnayan sa kani-kanilang lokal na pamahalaan upang mabigyan ng bakuna ang mga empleyado sa buong bansa.”
Ayon naman kay Dra. Maria Concepcion Cabildo, hepe ng DAR Medical Unit, ang Sinovac vaccine ang ibibigay na bakuna sa mga empleyado.
“Sa pangangasiwa ng pagbabakuna, bibigyan natin ng prayoridad ang mga frontliner na personal at direktang humaharap sa pagbibigay ng serbisyo sa mga magsasaka. Kasunod nito ang mga senior citizen at may comorbidities, dahil sila ay mas nasa peligro na mahawaan ng sakit na ito. Isusunod na ipipila ang lahat ng mga empleyado na nais makatanggap ng bakuna,” ani Cabildo. BENEDICT ABAYGAR, JR.
292665 751393I was trying to discover this. Genuinely refreshing take on the details. Thanks a lot. 4813
904289 13566Following study a few of the blog articles for your website now, and that i actually like your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and are checking back soon. Pls consider my internet site too and inform me what you consider. 509581