DAR GAGAMIT NG MAKABAGONG PARAAN NG SURVEYING TOOL

Nagsagawa ang Department of Agra­rian Reform (DAR) sa Sorsogon ng tatlong araw na Orientation at On-Site Training on Real-Time Kine­matic (RTK) Application, isang makabaong paraan ng land surveying tool gamit ang dalawang Global Navigation Satellite System (GNSS) antenna sa real-time na mas mahusay at tama, upang mapabilis ang paghahati-hati at pa­mamahagi ng mga natitirang lupain sa ilalim proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) sa mga natukoy na agrarian reform bene­ficiaries (ARBs) sa rehiyon ng Bicol.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Prog­ram Officer (PARPO) II Nida A. Santiago,ang  pangunahing layunin ng pagsasanay upang magamit ang sistema ng RTK Application ay upang mapabilis at mapadali ang paghahatid ng 500 ektarya sa mga ARB, na inaasahang susuriin sa pagtatapos ng Agosto 2024.

“Ang mga lupain na sasailalim sa survey ay ang mga na-validate na ng Field Validation Teams (FVTs) na may Requests for Survey Services (RSS). Ang mga lupain ay handa na para sa subdivision survey upang  makabuo ng mga aprubadong survey plan at tabular technical descriptions na kailangan sa pagpapalabas ng indibidwal na mga titulo para sa mga ARB,” paliwanag ni  Santiago.

 Lalagyan ng sukat at ganap na monumento  o muhon ang pinaghiwa hiwalay na parsela ng lupain ayon sa nakatakdang sukat nito at ni­lagdaang lot allocation scheme.

Dagdag pa niya ang mga karaniwang cylindrical na monumento ay itinanim sa mga hangganan ng ari-arian. Ang mga survey returns ay ida-download na handa para sa Inspection, Verification, and Approval (IVAS).

Giit ni  Santiago, lubhang mahalaga ang  survey bilang isang milestone para sa epektibong pagpapatupad ng Project SPLIT sa lalawigan. “Sa pamamagitan nito, ina­asahan namin ang mahusay na paghahatid ng mga target para sa natitirang mga taon ng pagpapatupad ng proyekto,” sabi niya.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia