DAR NAGBABALA SA HOG TRADERS NG LEGAL ACTION SA PAGKALAT NG SWINE FEVER

Secretary William Dar

NAGBABALA ang Department of Agriculture kamakailan na papatawan nila ng legal action ang hog traders na patuloy sa hindi pagpansin sa strict animal quarantine rules kasunod ng kompirmasyon na panibagong kaso ng African Swine Fever infections sa Metro Manila at Pangasinan.

Pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sobrang nakahahawa at nakamamatay ang sakit na ito ng baboy na mu­ling natuklasan sa isang backyard hog-raising business sa Quezon City.

Nag-order na rin si Dar na kinumpirma ang outbreak ng African Swine Fever sa Pangasinan, ng culling o paghihiwalay ng baboy sa mga apektadong lugar.

Ang sakit na hindi nagagamot ang nagdudulot ng kaguluhan sa hog industries sa China at Southeast Asia at malamang na magdala rin ng problema sa US grain exporters na nagsusuplay ng animal feeds sa virus-hit na bansa tulad ng Viet­nam, Myanmar at ang Filipinas.

Inihayag ni Dar na ang hog traders na nagbibiyahe ng infected pigs ang dapat sisihin sa patuloy na pagdagdag sa kaso ng African Swine Fever cases sa Filipinas.

“All hog traders, the full force of the law will descend upon you,” babala niya. “There are existing laws to follow and we hope that you will cooperate.”

Umabot na sa 20,000 baboy ang naihiwalay at namatay dahil sa sakit na ASF sa Filipinas mula nang nagdaang buwan, isang maliit na bahagi ng babuyan sa bansa na tinatayang nasa 12.7 ulo sa buwan pa lang ng Hul­yo 1.

Nagdeklara ang Fi­lipinas, ang ika-10 pinakamalaking pork consumer at ikapitong pinakamala­king pork importer, ng unang outbreak ng ASF noong Setyembre 9.

Ang suspetsa ng agriculture officials na ang virus ay dinala sa local farms sa pamamagitan ng food scraps, o swill, mula sa mga hotel at restawran na ipinapakain sa mga baboy na may halong kontaminadong imported pork products.

Para mapangalagaan ang kanilang hog-raising businesses, nagpataw ng ban sa pagpasok sa kanilang mga lugar ang i­lang probinsiya sa central at southern Philippines sa pagpapasok ng baboy at pork-based products mula sa mga lugar na apektado ng ASF kasama ang Metro Manila.

“We have now asked the local government units to further strengthen their checkpoints,” sabi ni Dar, para masi­guro na ang mga hindi dokumentadong mga baboy na posibleng apektado ng virus ay hindi na madadala sa ibang mga probinsiya.

Pero sinabi ni Dar na may sapat na supply ng baboy sa merkadong lokal at sisiguruhin ng gobyerno na ang mga karne ng baboy na may marka na “safe to eat” ng  National Meat Inspection Service ng gobyerno ang ibinebenta sa mga kons­yumer.

Comments are closed.