NAGKALOOB ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Tarlac ng tatlong farm-tractors, na may kabuuan na P2,999,400, sa tatlong agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) upang palakasin ang kanilang produksiyon sa bukid na makakapagdagdag kita sa mga magsasaka.
Ang mga tumanggap ng 40HP 4-wheel drive farm tractor na may rotavator ay ang: San Agustin Victoria Agrarian Reform Beneficiaries Association sa Victoria, Tarlac, na may 54-kasaping magsasaka; Ginintuang Butil Farmers Association sa San Juan de Mata, Tarlac City, na may 89 kasaping magsasaka; at ang Mendez Communal Farmers Agriculture Cooperative sa Lapaz, Tarlac, na may 70 kasaping magsasaka.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II Raul Leonin, bawat makinarya ay nagkakahalaga ng Php 999,800 na pinondohan sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPS) ng kagawaran.
Ang CRFPS ay nakatuon sa layunin na patatagin ang mga agrarian reform communities sa buong bansa upang mapahusay at mapanatili ang produksiyon sa agrikultura ng mga organisasyon ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang ani at kita upang maiangat ang buhay ng mga kasapi nito.
“Ang mga ARBOs na ito ay benepisyaryo ng Major Crop-based Block Farm Productivity Enhancement Project ng CRFPSP at ang proyektong ito ay mas magpapayaman sa lupaing agrikultural at makapagbibigay ng dagdag na ani sa mga magsasaka,” ani Leonin.
Idinagdag pa ni Leonin na ang aktibidad na ito ay ginanap sa ilalim ng direktiba ni DAR Secretary Brother John Castriciones, na nagsesegurong lahat ng mga magsasaka sa kanayunan ay makatatanggap ng mga suportang serbisyo mula sa ahensiya.
Nagkaroon din ng lagdaan ng Memorandum of Agreement at Trust Agreement sa pagitan ng DAR at mga ARBO na ginagarantiya sa ahensiya na ang mga pro-ject-recipients ay alam ang kanilang mga obligasyon at responsibilidad sa pag-aalaga sa mga farm tractors at kung paano ito mapakikinabangan ng mga kasapi.
Ang seremonya ng pagkakaloob ng traktora ay pinangunahan ni PARPO II Leonin, kasama sina PARPO I Precy E. Landingin at Chief Agrarian Reform Program Officer Stella P. Lacamento, na sinaksihan ng mga DAR provincial personnel at ng mga kasapi ng mga ARBOs. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Because I chose mastectomy, I did not require radiation clomid in men ceftin aspirin complex oder ibuprofen There have been reports this year in Gulf states of other waterborne illnesses, but they are rare
65227 95007I discovered your blog web site on google and appearance a few of your early posts. Maintain up the outstanding operate. I just extra the RSS feed to my MSN News Reader. Searching for forward to reading more on your part later on! 765886
You ll find Systems that know how to handle not guaranteed purchase ivermectin 3mg Expression of cortactin, FADD, cyclin D 1 and Pak1 are positively correlated
81090 126001This constantly amazes me exactly how blog owners for example yourself can discover the time and also the commitment to maintain on composing fantastic weblog posts. Your website isexcellent and 1 of my own ought to read blogs. I simply want to thank you. 604869