DAR NAMAHAGI NG CLOA SA 1,000 MAGSASAKA SA ZAMBOANGA PENINSULA

DAR

NAMAHAGI ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa ilang 1,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Zamboanga peninsula.

Pinangunahan ni DAR Secretary John Castriciones ang distribusyon ng CLOAs sa mga benepisyaryo noong dumalaw siya sa siyudad kamakailan.

“This (CLOA) is a proof that you are now the owners of the land given by the government through DAR,” pahayag ni Castriciones sa mga benepisyaryo na tenants at farm workers.

Sinabi ni DAR-12 Director Julita Ragandang na ang mga benepisyaryo ay dumaan na sa tamang identification process para masiguro na sila ay mga totoong mang­gagawa sa sakahan at nangungupahan at mga residente ng barangay kung saan naroon ang lupa.

Nagpahayag si Maximo Mayora, isa sa mga benepisyaryo, ng kanyang pasasalamat sa DAR at kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos na matanggap ang kanyang CLOA.

Si Mayora na nakatanggap ng CLOA na sumasakop sa 2.7 ektarya ng lupa ay isang coconut farmer ng mahigit na 30 taon sa  Gutalac, Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Castriciones sa mga benepisyaryo ng CLOA na pagyayamanin nila ang lupa at gagawin itong produktibo kaysa ibenta nila ito.  PNA

Comments are closed.