DAR NAMAHAGI NG FARM MACHINERIES SA MGA MAGSASAKA SA QUIRINO PROVINCE

DAR DONATE FARM MACHINERIES

PINAGKALOOBAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng heavy tractors ang tatlong agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) mula sa Quirino Province.

Tinukoy ng DAR ang mga benepisyaryo na kinabibilangan ng Go Quirinians Savings and Credit Cooperative (GQSCC) ng Cabarroguis, Dumanisi Agra­rian Reform Beneficiaries Cooperative (DarbenCo) ng Diffun, at Pagbabago ng Kabuhayan Irrigators Association (PKIA) ng Saguday.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Jess Beth Quidasot, ang naturang pamamahagi ng mga serbisyong pasilidad na nagkakahalaga ng P3.78 million ay bahagi ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) project mula sa DAR upang mabigyan ng karampatang kakayahan ang bawat samahan ng magbubukid pang-agraryo.

“This is our way of promoting awareness among our beneficiaries in disaster-prone areas about climate resilient farming practices. The machineries seek to address varying cropping patterns and mitigate the adverse effect of climate change,” pahayag ni Quidasot.

Lubos naman ang pasasalamat ni PKIA chairman Nolito Florenciano ng kanyang tanggapin ang naturang mga kagamitan.

“I can’t contain my happiness. I am very grateful for this farm equipment. This will be a big help not just in our organization but in our community as well. Rest assured that we will work hard for our success,” wika ni Florenciano.

“We are very blessed because among the ARBOs here in Quirino, we are chosen to be one of the recipients of this support service,” dagdag pa ni Florenciano.

Kasunod nito, hinamon ni Quidasol ang mga tumanggap na beneficia­ries na maging katuwang ng kagawaran at paghusayin ang pagsasaka ngayong may makabago ng farm machineries na naipagkaloob kasunod ang pahayag na handang makipagtulungan ang kagawaran upang maiangat ang kanilang pamumuhay.

Positibo naman ang pananaw ni Saguday Mayor Marcelina Pagbilao sa pagsasakatuparan ng proyekto na umaasang sa pamamagitan nito ay mapa-paghusay ang economic conditions ng bawat magbubukid sa kanilang probinsiya.

“Hopefully, other farmers will have access to more pre- and post-harvest facilities, ani Pagbilao. BENEDICT ABAYGAR, JR.