PINALAKAS ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang sektor ng pagsasaka sa lalawigang ito sa pamamagitan ng pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) sa 35 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na sumasakop sa 62 ektarya, pagkakaloob ng makinaryang pangsaka at iba pang kagamitan na nagkakahalagang P1.75-milyon sa mga ARB organizations (ARBOs), at pagpapatupad ng pakete ng mga suportang serbisyo.
Ayon kay DAR Secretary Bro. John Castriciones, layunin ng pamamahagi ng lupang agrikultural at iba pang suportang serbisyo na palakasin ang pamumuhay ng mga magsasaka at masiguro ang kasapatan sa pagkain ng lalawigan.
“Binibigyan natin ng lupa ang mga magsasakang walang lupain, ginagabayan natin sila sa pagpapalago ng kanilang bukirin upang tumaas ang kanilang kita at ani, na pakikinabangan ng mga residente ng Aurora,” saad ng kalihim.
Ang mga nasabing makinarya na binubuo ng isang (1) unit ng 4-wheel drive farm tractor, apat (4) na yunit ng heavy-duty hand tractors, dalawang (2) yunit ng multi-crop threshers, pitong (7) yunit ng grass cutters, at apat (4) na yunit ng power sprayers, ay ipinagkaloob sa Canili Farmers MPC, Nonong Agrarian Reform Beneficiaries Association, Dalugan ARB Cooperative at Bagong Sigla Bagong Pagasa Agrarian Reform Cooperative.
Ang mga makinaryang ito ay pinondohan ng ahensiya sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program and Major Crop (Palay) Block Farm Productivity Enhancement Project.
Pinangunahan din ni Brother John ang kumpirmasyon ng 30 graduate sa Farm Business School (FBS) Root Crops Class ng 2021. Ang FBS ay isang community-based 25-session na hands-on learning class na isinagawa sa loob ng tatlong buwan. Ang farmers’ class ay binubuo ng 30 ARBs na nagtatanim ng mga root crop.
Bilang bundled program ng FBS, Ang Root Crops Class ay naghanda ng 500-square meter “Buhay sa Gulay” farm sa Cadayakan, Maria Aurora, Aurora. Ito ay tinaniman ng mga root crops at mga gulay. Ang nasabing Class project ay pormal na inilunsad pagkatapos ng kumpir-masyon ng mga FBS graduates.
Ayon kay Bro. John ang proyektong Buhay sa Gulay ay isang inisyatibong pagsasaka sa kalunsuran ng DAR upang makatulong sa pangan-gailangan sa pagkain ng komunidad at bilang mapagkukunan ng kanilang karagdagang kita.
Ang provincial office ng DAR sa Aurora, sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP), ay nagkaroon din ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Provincial Government na pinamumunuan ni Governor Gerardo A. Noveras, Office of the Provincial Warden, Aurora Memorial Hospital at ng Nagkakaisang Lakas Paggawa ng Dipaculao Aurora Multi-Purpose Cooperative (NALAGDA MPC).
Nakipag-ugnayan din ang DAR sa Land Bank of the Philippines sa ilalim ng Agrarian Production Credit Program. Sa ilalim ng programang ito, may P 625,000 halaga ng credit line ang ibinigay sa Abuleg Neighborhood Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative para sa rice production nito.
Isinagawa rin ang panunumpa ng 13 bagong hirang na Chairperson ng Barangay Agrarian Reform Councils (BARC) sa central Aurora. Ang BARC ay tumutulong sa mediation at conciliation upang malutas ang mga suliranin na may kinalaman sa pagpapatupad ng repormang agraryo sa kanilang mga barangay. Tumutulong din ito sa pagpapatupad ng CARP sa kanilang hurisdiksyon. BENEDICT ABAYGAR, JR.
451732 364227Some truly good articles on this internet site , thankyou for contribution. 586268
799994 711941Cpr KIts very fantastic read you know alot about this subject i see! 436089
720018 895523Outstanding post, I conceive weblog owners should acquire a great deal from this weblog its really user pleasant. 252984