INIREKOMENDA ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa kontrol ng COMELEC o Commission on Elections ang Daraga, Albay.
Ito ay matapos na mapatay si AKO- Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na tumatakbong alkalde ng naturang bayan.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ito rin ang naging rekomendasyon ng lokal na tanggapan ng COMELEC sa Daraga dahil sa takot na magkaroon ng kaguluhan kasunod ng pagkapatay kay Batocabe.
Kapag isinailalim ang isang bayan sa kontrol ng COMELEC, mayroon nang direct supervision ang komisyon sa lahat ng lokal na opisyal doon gayundin ang kontrol sa lahat ng law enforcement agency sa lugar. DWIZ 882
Comments are closed.