MARAMI pang public utility buses ang pagkakalooban ng special permits para mag-operate sa special holidays simula August 14, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ng LTFRB na itinaas nito mula 25% sa 30% ang kabuuang bilang ng PUB units na bibiyahe sa ruta na bibigyan ng special permits.
“Special holidays such as Christmas and Holy Week are important holidays that allow many Filipinos to go home even for a few days so that they can reunite with their families, loved ones and friends in the celebration or observation of these dates,” sabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III.
“By allowing more PUBs to ply routes such as those going to the provinces, it will provide commuters with more convenience going home.”
Bukod dito, itinaas din ng ahensiya sa hanggang 14 taon ang papayagang year model ng PUB units na maaaring mag-aplay para sa special permit.