Dasal, alay ng pagmamahal sa namayapa

Inihahabilin namin sa iyo, O Panginoon namin ang kaluluwa ni/nina (Julia at Rafael) na sa pagpanaw niya sa sandaigdigan, iyo pong ipatawad ang kanyang mga kasalanan alang-alang sa kaligtasan ng kanyang kaluluwa sa iyong habag. Loobin mong manatili siya sa iyong banal na kaharian. Siya nawa.

May dalawang mahigpit na dahilan kung bakit nag-subscribe ako sa Disney Channel. Una, dahil mahilig talaga ako sa cartoons. At ikalawa, dahil Kay Coco. Hindi po si Coco Martin. Si Coco po na bida sa isang Disney movie. Isang ulyaning matandang hindi na maalala ang nakaraan. Umiikot ang istorya sa isang mahusay na musikerong ama ni Coco ngunit nawalay sa kanya noong bata pa siya kaya hindi na niya gaanong maalala. Ayon sa istorya, kapag wala nang binabanggit at nakakaalaala sa pangalan ng namatay, ang kaluluwa niya ay unti-unting maglalaho sa kanilang buhay.

Iniisip nyo siguro, ano ang relevance nito sa ating artikulo, gayong iba naman ang ating paniniwala? Katoliko tayo.

Naniniwala tayong walang kamatayan ang kaluluwa, at napupunta ito sa impiyerno o sa Paraiso, depende kung naging mabuti ka o masamang tao.

Ngunit naniniwala rin tayo sa Purgatoryo, ang lugar sa pagitan ng langit at impiyerno, kung saan nagtitika ang mga kaluluwang hindi pa maaaring pumasok sa Paraiso. Ang mga kaluluwa sa Paraiso sa ating paniniwala, ay diretsong aakyat sa langit dahil dalisay na ang kanilang kaluluwa.

Bilang nagmamahal at nagmanalasakit na kaanak, at bilang bahagi ng Mystical Body of Christ, Kasama sa ating misyon sa lupa ang tulungan ang mga kaluluwa sa Purgatoryo na mabawasan ang nililinis nilang kasalanan — lalong lalo na ang mga mahal natin sa buhay na pumanaw na. Paalala pa nga ni Pope Francis: “Let us not forget … that so many deceased also await our spiritual support.

Sa simula pa lamang ng Katolisismo sa Pilipinas, binibigyang halaga na ang alaala ng mga yumao. Ipinagdarasal sila, upang malinis ang namantsahang kaluluwa. Umaasa tayong kung waka man sila sa Paraiso, naroroon sila sa Purgatoryo at humihingi ng dasal.

Ngunit alam ba ninyong ang pagdarasal para sa kaluluwa ng namayapa ay sinaunang tradisyon ng mga natibong Filipino?

Kamariitan ang tawag sa kabilang buhay sa pinamumunuan ni Sidapa, Ang diyosang ng kamatayan, katuwang si Makaptan na siya namang diyos ng sakit.

Nahahati ang kabilang buhay sa dalawa: Ang Sulad at ang Saad. Dinadala sa Sulad ang mga kaluluwang hindi pa maaaring pumasok sa Saan. Sa madaling sabi, ang Sulad at katumbas ng Purgatoryo.

Ang Saad naman ay ang bahagi ng kabilang buhay kung saan naroroon Ang kaluluwa ng mga ninuno. Lahat ng kaluluwa ay sinudundo ni Magwayen at isinasakay sa bangka upang makatawid sa ilog ng Lalangban.

Sa kabilang Pampanga ay nag-aabang naman si Siginarugan, upang hatulan kung saan napupunta ang sinudundong kaluluwa ni Magwayen. Nakaabang din sina Suimuran at Suiguinarugan – mga diyos ng bulkan at nagbabagang putik, upang kunin ang mga kaluluwang hindi pwede sa Sulad at sa Saad. Ang mga kaluluwang walang kapatawaran ang kasalanan ay habampanahong magiging alipin nila.

Sa panig naman ng mga naiwan sa daigdig ng mga buhay, nagsasagawa sila ng mga dasal at orasyon upang matulungan ang namayapa nilang minamahal na makarating sa Saad, sakaling sa Sulad sila inihatid ni Magwayen.

Saan man natin daanin, sa paraang Katoliko man o sa pagano, ang dasal at orasyon ay pagpapahayag ng pagpapahalaga at pagmamahal para sa yumao.

Tulad lamang ni Coco sa pumanaw niyang ama.

Patunay itong ang pag-ibig at pagmamahal ay walang boundaries at demarcation line. Nakararating ito kahit sa kabilang buhay.
JAYZL V