Bumuhos sa social media ang humihingi ng panalangin para kay Cardinal Luis Antonio Tagle, ang kauna-unahang lider ng Roman Curia na tinamaan ng COVID-19.
Kinumpirma sa report na lumabas sa Vatican News nitong Biyernes, na nagpositibo sa virus si Tagle pagdating nito sa Maynila nitong Huwebes.
Asymptomatic si Tagle at ngayon ay nakasailalim sa quarantine.
Kinumpirma rin ng news service ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang ulat.
“Cardinal Luis Antonio Tagle tests positive for #coronavirus upon his arrival in Manila yesterday, Vatican News reported. He is asymptomatic and in quarantine,” ayon sa CBCP News.
Sinabi ng Vatican News na minomonitor na ang mga nakasalamuha roon ni Tagle.
Si Tagle ay kasalukuyang naninilbihang Prefect of the Congregation for the New Evangelization of Peoples sa Vatican.
Nang lumabas ang ulat na tinamaan ito ng sakit ay marami ang humiling sa social media ng kanyang agarang paggaling.
Comments are closed.