Dasal ni Annabelle Rama, gumaling sana ang manugang niya

Ipinagdarasal ni Annabelle Rama na malusutan sana ng manugang niyang si Alexa Gutierrez ang sakit niyang leukemia alang-alang sa kanyang anak na si Elvis at mga apong sina Aria at Ezra.

Hindi umano siya makapaniwalang nangyayari ito kaya ayaw niyang magsalita. Alam umano ni Alexa na mahal na mahal niya ito at talagang hindi niya mapigilan ang maiyak nang malaman niya ang kalagayan ng manugang.

Agprisinta pa si Annabelle na aalagaan ang kanyang mga apo habang nagpapagaling ang manugang para raw hindi ito ma-stress.

Natapos na ang chemotherapy ni Alexa nitong Enero pero nanghihina pa rin ito kaya kailangan ng mahaba-habang pahinga.

Unang humingi si Ruffa Gutierrez ng dasal para kay Alexa nang magsimula siyang magpa-chemotherapy sa isang ospital sa Taguig.

Ikinasal sina Alexa at Elvis noong 2015, at kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng conflict sa sinumang miyembro ng pamilya Gutierrez. NLVN