Dasal ni Dennis Padilla: imbitahin sana sa kasal ni Julia Barretto

Proud daw si Dennis Padilla sa lahat ng anak niya kahit ano pa ang dinadaanan niya. Una raw siyang nasasaktan kapag may nagsasalita ng masama sa kanila.

This time, magkakatrabaho for thr first time makatrabaho sina Dennis at hipag na si Claudine Barretto sa When Magic Hurts, na pagbibidahan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia.

Sa role ni Dennis, anak niya si Mutya pero si Claudine ang totoong nanay.

Nakatrabaho naman niya si Claudine noong bata pa ito sa sitcom ni Aga Mulach naa Oki Doki Doc (1993-2000) pero sobrang tagal na noon. Nagkasama rin sila sa Home Along Da Riles [1992-2003].

Pero ito ang first time sa movie. Excited siya dahil dati nga naman niyang hipag si Claudine. Kapatid kasi ito ni Marjorie Barrettu.
Ang mga eksena raw nilla ni Mutya ang nag-trigger sa kanya.

Naaalala niya si Julia at ang mga totoong drama ng kanyang buhay. Hindi raw siya nahirapang umarte dahil parang hindi naman siya talaga umaarte. Naka-relate daw siya ng husto sa papel niya bilang “nanay” ni Mutya Orquia dahil sa totoong buhay ay may pinagdadaanan siya bilang ama ni Julia.
“Parang art imitates life,” ani Dennis. Na-experience na niya ang pain kaya madali para sa kanya ang iarte ang role niya kasama si Mutya.
Ang mga nasabi raw niya kay Mutya sa pelikula, kailanman ay hindi niya nasabi kay Julia dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Kaya nga nang i-text siya ni Julia ng happy birthday, naluha siya sa tuwa. Sana nga raw, magkita sila soon.
Sakaling magpakasal si Julia kay Gerald Anderson, sana raw, maimbita man lamang siya, kahit hindi na siya ang maghatid sa kanyang daughter sa altar. Kung hindi siya iimbitahan, pipilitin pa rin umano niyang ma-witness ito kahit pa magsoot siya ng wig at dark shades. nlvn