DASAL PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA DAVAO HINILING

Guillermo Afable

HUMIHILING si Digos Bishop Guillermo Afable ng taimtim na panalangin mula sa publiko para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa Mindanao partikular sa Digos, Davao Del Sur na nakaranas ng 6.9 magnitude na lindol kahapon ng hapon.

Ayon kay Afable, ang pagdarasal ang pinakamabisang pamamaraan upang maiadya sa anumang kapahamakan ang sanlibutan.

“Nanawagan ako sa mga Filipino na sama-sama tayo to pray the Holy Rosary especially today, because this is the best thing to do in times of danger,” ani Afable, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Nabatid na habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang nararamdaman ang pagyanig sa malaking bahagi ng Davao region.

Dalangin naman ni Afable ang kaligtasan ng mananampalataya sa rehiyon habang patuloy itong naghihintay ng ulat mula sa mga pari sa mga parokyang apektado.

Magugunitang patuloy pa rin ang pagbangon ng North Cotabato kasama na ang ilang lugar sa Davao Del Sur dahil sa magkakasunod na lindol noong Oktubre na ikinasawi ng mahigit sa 20 indibiduwal. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.