DATABASE NG PNP TINANGKANG PASUKIN

ALINSUNOD sa kautusan ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil, tuloy tuloy ang ginagawa imbestigasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group sa napa-ulat na tangkang pag-hack sa database ng pambansang pulis.

Nabatid na hindi nilulubayan ng mga cyber forensic expert ng PNP-ACG ang ginagawang pagsisiyasat sa insidente ng umano’y hacking sa logistics, data, information, and management system ng PNP.

Inihayag ni PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, na hawak na ng Anti Cybercrime Group ang records ng mga posibleng pumasok o nag log-in sa server at kasalukuyang na isinasailalim sa masusing sa pagsusuri.

Kinalma naman ng PNP ang publiko dahil base na rin sa kanilang naunang assessment ay lumilitaw na maayos at nasa good running condition ang kanilang system.

Nilinaw pa ng pamunuan na nananatili pa rin itong naka-shutdown ang system upang bigyang daan ang mas malalim na pagsusuri ng kanilang cyber response team

Sinasabing sa kasalukuyan ay wala pang impormasyon kung naapektuhan ang logistics, data, information, and management system ng PNP.
VERLIN RUIZ