INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang PNP-Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) para lumikha ng database ng lahat ng personnel na sinibak na sa serbisyo kasunod ng utos na lahat na inihaing motions for reconsideration ng dismissed police personnel ay resolbahin sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Eleazar, ang nasabing hakbang ay upang maiwasan na makabalik pa ang mga tiwali, pasaway at mga balatubang pulis sa PNP.
“Inatasan ko na ang Director, DPRM, na gumawa ng database ng lahat ng mga na-dismiss na pulis at agarang iresolba ang kanilang mga Motions for Reconsideration (MR) upang maagap nating maharang ang anumang pagtatangka nilang makabalik sa serbisyo,” ani Eleazar.
“Makikipag-ugnayan tayo sa National Police Commission para mapadali ang resolusyon ng mga appealed administrative cases at tuluyan nang matanggal sa serbisyo ang mga napatunayang tiwali at abusado,” dagdag pa nito.
Ayon sa PNP Chief, dapat na maging alisto ang organisasyon laban sa mga tiwaling indibiduwal na magtatangkang makabalik sa serbisyo.
Inatasan din nito ang Legal Service na rebisahin ang kanilang administrative rules and regulations para mapalakas pa ang mga hakbangin upang maiwasan na makabalik pa sa serbisyo ang mga sinibak na pulis.
“Inatasan ko na din ang ating Legal Service na pag-aralan kung ano ang maaring baguhin o idagdag sa aming rules and regulations para tuluyang isara ang pintuan sa pagbabalik sa serbisyo ng mga natanggal na bugok na pulis, lalo na ang mga sangkot sa paggamit ng iligal na droga,” pahayag pa ng heneral.
Mula nang manungkulan si Eleazar bilang PNP chief, lagi nitong binibigyang diin ang kampanya laban sa mga police scalawags, bilang bahagi ng Intensified Cleanliness Policy sa hanay ng pulisya. VERLIN RUIZ
982591 365951Currently it seems like BlogEngine will be the greatest blogging platform out there correct now. (from what Ive read) Is that what you are utilizing on your blog? 184894
513166 815414Spot on with this write-up, I really assume this internet site needs much more consideration. Ill probably be once far more to read far far more, thanks for that info. 379807
545242 677676After study several with the blog articles for your internet website now, and i also genuinely such as your strategy for blogging. I bookmarked it to my bookmark internet web site list and are checking back soon. Pls take a look at my web page in addition and tell me what you believe. 378688